"Amira.. mag usap tayo."
Habol na Pakiusap ni Pj sa kanya pero hindi nya ito pinapakinggan. Tuloy tuloy sya sa loob ng kwarto at mabilis na inayos ang mga gamit.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Pj habang pinipigilan ang kamay niya na palabas na ng bahay. Wala na syang reaksyon. Pagod na sya. Tapos na sya umiyak.
Pinipigil niya ang sarili. Hindi nya hinahayaang tumulo ang luha nya.
Hindi nya hinahayaang mahawakan sya ni Pj.Napahilamos si Pj sa mahaba nitong buhok.
"Wag ka magalit sakin. Magpapaliwanag ako."
Muli nitong Pakiusap.
Alam ni Pj na may basehan sya magalit. Sa mga nakita nya. Kung paano nito ipagtanggol si Yesha sa harap ng marami.
Hindi man lang ba nito maisip na sobra sya nitong nasasaktan lalo na at palagi nitong nakakasama si Ayesha.
Ang dating kasintahan nito?
Niyakap sya nito pero umiiwas sya.
Tila bingi si Amira na walang narinig sa sumamo nito.
Tinapunan nya ito ng malamig na pagtingin.
"Siguro mas makakabuti para sa ating dalawa na maghiwalay muna. Masyado na akong nasasaktan Pj. palayain muna natin ang isa't isa."
Pakiramdam ni Amira ay hindi na pumasok sa sistema ni Pj ang mga katagang binitawan niya bago nya ito hinawi. Kasi hindi ito nakakilos.
Tinalikuran nya ito dala ang mga gamit nya. Nahagip pa ng gilid ng mata nya na nagsimulang tumulo ang luha ni Pj at nakatanaw habang palayo sya.
Masakit sa kanya na gawin ito pero hindi sya binibigyan ni pj ng dahilan para magtiwala sya.
Hindi nya ito maintindihan. Hindi nya magets kung bakit kailangan kasama nito si Yesha palagi gayong tapos na sila.
At kung si Yesha ang itinuturo sa pagpatay sa daddy nya.
Bakit kailangan ito ipagtanggol ni Pj??
Isa lang ang nakikita nyang dahilan.
Mahal pa ng asawa nya si Yesha.
Kaya nasasaktan naman sya."...How can we endure each morning of pain? if the one that makes us strong everyday gave up to be with us into the journey of forever.."
Jessica Ybarra
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...