Napansin ni Pj na panay ang tingin ng mga kaibigang sila Enzo at Edward habang nakatunghay sa kanya na nagpapatugtog ng Piano.
Alam nyang nais syang kausapin ng mga kaibigan tungkol sa plano nila para sa bayan ng San Andres at sa kaso ng daddy nya.
Ang problema ay hindi nya kayang mag isip sa ngayon ng mga plano para sa masimulan na nila.
Kanina pa sya walang kibo.
Hindi rin sya sumabay sa pagkain dahil wala syang gana.
Iniwan sya ng asawa nya.
Sino ba naman ang makakapag-isip ng tama?Halos hindi nya magawang igalaw ang mga kalamnan nya.
Nanghihina sya.Kung maaari ay gusto na lamang nyang matulog maghapon para hindi nya maramdaman ang sakit na nadarama.
Baka sakali sa panaginip nya haplos na muli ng asawa ang pisngi nya gamit ang palad nito na nagpapagaan ng pakiramdam nya.
Ngunit paano nito hahaplusin ang pisngi nya kung sa tuwing kakausapin nya ito.
Galit! Ang pinapakita nito.
na labis na nagpapasakit sa kanya.
Kahit hawakan nya ang kamay nito ay hindi nya magawa.
Hindi sya nito pinahihi tulutan."... Ang tunay na pag-ibig ay parang bulalakaw. Minsan lang natin sila makita sa kalangitan ngunit kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon makita ito. Sobrang pag asa at kaligayahan ang idinudulot nito sa atin.."
Jessica Ybarra
Oo.. Ang asawa nya ang nagsisilbing bulalakaw nya. Nagsisilbing liwanag nya pero nasaktan nya ito.
At ngayon nag iisa sya. Siguro deserving sya sa lahat ng sakit na nararamdaman nya sa mga oras na yon. Pero kaunting oras lang naman ang hinihingi nya na oras kasi mamaya. Pipilitin nya ang sarili na maging normal para matapos na ang lahat.Pabagsak syang napahiga sa sofa. Nakatingin lang ang mga kaibigan nya sa kanya.
"Okay na si Yesha. Nagpapahinga na sya. Binabantayan sya ni Enzo." Wika ni Alex. Tumango sya.
"I think you need to see this." Singit ni Emman sa kanila pero sa kanya lang napatingin.
Napilitan sya bumangon.
Habang pinapanood nya at pinakikinggan ang video. Napakuyom ang kamao nya sa galit.
"Kailangan ko kausapin ang mga Sebastian!"
Pagkabigkas non ay bigla syang tumayo. Pero nagbilin sya na tatawag sya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...