"This way... and this time.. participate with us. okay?"
It was a girl.
Hindi nya kilala ang mga kasama nya ng mga sandaling yon dahil may mga takip ang mukha at nakaitim pero wala syang nagawa kundi ang sumunod.
Nagmamadali silang sumakay sa isang RV na nakaparada sa likod ng bahay nila.
But they locked the door outside.
Pagsakay sa RV ay nagtatawanan na nagtanggal ng maskara ang mga kumuha sa kanya habang pinaharurot ito ng nagdadrive na si Emman.
Inis na nilapitan sya ni Alex na sya palang kumausap sa kanya kanina. Pinameywangan sya nito.
"Ang sabi ni Pj. Run away from her? Away ba yon?!" Irita nitong tanong sa kanya.
Pero wala syang kakayahan sagutin ang pagtataray nito dahil natatakot pa sya ng mga sandaling yon. Nanginginig sya.
Nilapitan sya ni Coco at inabutan sya ng bottled water.
"Ligtas ka na." Sabi nito.
Pero di na nya napigil ang sarili sa pag iyak. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin.
"Ngayon alam mo na kung sino kalaban mo? Mag iingat ka na ha?" Payo naman ni Enzo
Nakarating na sila ng ligtas sa pupuntahan nila mga bandang hating gabi na.
Hindi ito pamilyar sa kanya. Liblib at masyadong malawak. Pero alam nyang ang mga Leviste ang may ari nito kasi private property ang lugar na may sign board na Hacienda Leviste.
Nakita nila sa second floor si Xander na umiinom ng alak.
At nang makita sya nito ay tumirik lang ang mata nito na napapailing.Parang sinasabi nito na ang tigas ng ulo nya at di sya marunong makinig.
Pero nang makaakyat sila. Hindi ito nagsalita.
Siguro tama ang sinabi ni Pj noon na mabait naman ito.
Well, lahat ng sinabi ni Pj ay tama..
Pero hindi sya naniwala."Magpahinga na tayong lahat. It's just another tiring day." Deklara ni Edward.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ayesha sa kanya dahil hindi parin nawawala ang kaba nya.
Imbes na sumagot ay nagsalita sya.
"Please.. baka pwede ipaliwanag nyo naman sakin lahat. Kasi pagod na ko mag isip kung anong nangyayari. Halos lahat alam na samantalang ako?"
Saka sya humagulgol ng iyak. Walang nakakibo agad maliban kay Alex.
"She's right! I think she deserves the truth."
"Alex.. not now." Si Coco.
"Why not? Ang hirap magtago ng sikreto lalo na at may nasasaktan." Si Yesha.
"Kailan pa aaminin? Ngayon na!" Inis na sabi ni Alex at hinablot ang kamay nya. "Halika! At siguraduhin mong matapang ka haharap sa katotohanan." Asik nito sa kanya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...