Madilim sa loob. Maingay ang sounds at nakakasilaw ang mga liwanag na nasa loob.
Isang hakbang pa ni Amira muli syang nabangga ng isa sa mga sumasayaw at napaupo siya sa kandungan ng isang lalaking nakaupo sa isang upuan.
Agad siyang napatayo habang ngumisi naman ang lalaki na naupuan niya.
“I’m sorry.” Paumanhin niya.
“Sorry is not acceptable. Pinatayo mo na yun alaga ko e. If you want to do some crazinest tonight? Come on. Let’s do it.” Hapit nito sa baywang niya at akmang hahalikan siya pero umiwas siya.
“Nagkakamali ka sir. Nabangga lang ako kaya napaupo ako sayo!”
Nanginginig sa takot niyang paliwanag dito.
“Oh? E ganyan din yun katwiran ng huling babae na nakasex ko last week ah.” Tawa nito na inayunan ng mga kasama nito.
“Bitawan mo ko.” Tulak niya rito.
“Don’t play with me.” Gigil na sambit ng lalaki habang hinihila sya.
“No!” iyak niya sa sobrang takot.
Hindi sila pinapansin ng mga tao sa paligid dahil abala ang mga ito at malakas masyado ang sounds.
Maya maya pa, Isang malakas na suntok sa mukha ang narinig ni Amira na tumama sa mukha ng lalaking nambabastos sa kanya.
Mula sa kamao ni Pj.
Hinila siya nito papunta sa likod nito.
“Sabi ng babae, bitawan mo siya. Tanga ka ba?” sigaw ni Pj.
Lasing na lasing na ito at galit na gusto pa sugurin ang lalaking bastos.
“Sino ka bang pakialamero ka?” sigaw ng lalaking nasapak at akmang mangingialam ang mga kasama nito pero agad na umawat ang mga bouncer at nagbabala na ipapadampot sila sa pulis.
“Pj, umuwi na tayo.” Natatakot niyang hila dito at baka abutan pa sila ng pulis.
Sa takot ni Amira na sundan pa sila ng mga bastos sa loob ng bar nagmadali niyang inakay si Pj palabas.
Buti nalang at naroon pa yun taxi na sinakyan niya kanina at doon sila nagpahatid.
Ibinilin nalang niya sa mga nasa bar yun kotse ng binata. Tinulungan siya ng driver para ipasok si Pj na salita ng salita.
Hindi niya lang maintindihan kung ano dahil sa takot niya.
“Ang gwapo pala ng asawa niyo ma’am. Kaya pala sobra kayo magselos.” Nanunudyo na naman na hirit ng driver kaya nanlaki ang mata niya dahil napatingin si Pj sa kanya at nakangiti ang namumungay nitong mata.
“Asawa ko…” niyakap siya nito.
Sa puso nya, pakiramdam nya mag asawa sila ni Pj nang mga sandaling yon.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...