Inihatid na sya ni Xander sa bahay pero malayo palang ay huminto na sila. May pulis sa tapat nga bahay ng mga Elizalde. Kinakausap ng mga pulis si Pj.
Hindi nya napigil ang sarili. Agad syang bumaba.
"Just Don't.. papahirapan mo lang si Pj.."
"Gusto ko malaman kung anong nangyayari." Matigas na tutol nya.
Hindi sya napigilan ni Xander. Halos tumakbo sya palapit at nang makita sya ni Pj. Tila nanghina ito. Pero nakangiti ito sa kanya.
"Saan nyo sya dadalhin?"
"Inaaresto po namin sya sa salang pagdukot sa pamilya Sebastian at Pagtatago sa kriminal na si Ayesha Perez."
"Hindi.." nasambit nalang nya.
Hindi nya alam kung anong iisipin nya ng mga sandaling yon. Ang alam lang nya. Masakit para sa kanya na hinuhuli si Pj ng mga pulis at hindi nya alam kung anong dapat na maramdaman nya.
"Sisiguraduhin ko sayong mabubulok ka sa kulungan Pj." Nakangising sigaw ni ate Marian.
Ngiti lang ang naging tugon ni Pj rito kaya sumama ang mukha ng hipag nya.
Poposasan sana si Pj pero tumanggi ito. Humarang naman si Miss M.
"Sasama ng maayos ang anak ko. Alam nya ang ginagawa nya."
Hindi na nagpumilit pa ang mga pulis.
"Pwede bang yakapin ko muna ang asawa ko bago ako sumama?"
Binigyan nila ng oras si Pj para sa kanya.
"Sasama ako." Ang sabi nya at nagsimulang pumatak ang luha nya.
"No! I will tell you something at gusto ko sumunod ka." Bilin ni Pj sa kanya.
Tumango sya. Pakiramdam nya kusang bumabalik ang tiwala nya sa asawa ng mga sandaling iyon.
"After this hug.. Run away. Away from Marian."
Napakunot ang noo nya.
Pero bakit? Bakit kailangan nya layuan si ate Marian?Bumitaw na sa pagkakayakap si Pj and he whispered. "Trust me.."
Yun ang ginawa nya. Dahan dahan syang lumayo habang sumasama si Miss M kay Pj paalis. Pumasok sya sa bahay nila dahan dahan. Nang makapasok sya. Nakita nya na nag alisan na ang mga tao sa paligid pero may ilang lalaki na unti unting lumalapit sa bakuran nila.
Nasa labas si ate Marian sa garden habang papasok naman ang mga lalaki sa loob.
Kinutuban sya. Bakit hinahayaan ng hipag nya pumasok ang mga lalaking ito sa pamamahay nila.
Napaatras sya kasabay noon ang pagkamatay ng mga ilaw.
May tumakip sa bibig nya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...