Kagabi pa si Amira tinatawagan ni ate Marian. Ayaw nya sana sagutin ang mga tawag nito dahil gusto muna nya makapag isip at mapag isa.
At ngayon ay sinagot na nya ito dahil kinukutuban sya na baka may nangyaring hindi maganda sa bahay dahil ang dami na nitong calls.
"Sabihin mo sa asawa mo. Ilabas nya sila Jonjon, wala rin sila mommy at daddy dito!"
Napakunot ang noo nya sa sinabi ng hipag.
Galit na galit ito sa kabilang linya kaya lumakas ang kabog ng dibdib nya."Bakit naman si Pj ang pagbibintangan mo?"
"Dahil may dahilan sya para gawin yon!"
"At ano naman?"
Hindi kumibo si ate Marian.
Pagkatapos ng klase. Agad syang umuwi sa bahay ng mga magulang.
Pagpasok ni Amira sa bahay. Wala talaga ang pamilya niya. Totoo ang sinabi ni ate Marian. Wala ang mga ito.
"Amira.."
Humahangos na dating ni Pj.
Masama ang tingin niya sa asawa.
"Anong ginawa mo sa pamilya ko? Asan sila?" mangiyak ngiyak na tanong nya dito.
"Maniwala ka sakin.. mas mabuti na yun ganito!"
Akmang hahawakan siya ni Pj sa kamay pero sinampal niya ito.
"Iyon ang isang bagay na hindi ko sana ginawa. Ang pagkatiwalaan ka." sumbat nya rito. "Ayoko sana maniwala kay ate Marian na wala kang kinalaman sa pagkawala ng pamilya ko. Pero nakita kita kagabi. Galing ka dito."
Tila namutla si Pj sa sinabi nya. Walang record sa CCTV na galing si Pj dito pero alam nyang galing dito ang asawa nya.
"Please. Amira. Ipinapangako ko sayo na kung nasaan man sila ngayon. Ligtas sila."
Hindi na sya nakinig pa at hindi na siya interesado pa sa mga sasabihin nito. Muli syang lumabas.
Well.. Galit na lumabas siya ng bahay nila.
Noong una ay naglilihim ito. Ngayon naman ang pamilya niya ang binalingan nito.
Ano bang problema ni Pj? Ano bang ginawa niyang kasalanan para parusahan siya nito? Hindi pa ba sapat na sinaktan siya nito sa pamamagitan ni Yesha? Yun parin bang kasalanan nya sa nakaraan rito ang kailangan nya pagbayaran?
Sumakay siya sa taxi na nagdaan. Hindi niya alam kung saan siya papunta. Hindi niya namalayan na papasok na siya ng coffee shop.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...