“Siguro ang tagal na nila.” sambit ni Lyra habang pinagmamasdan sila Pj at Alex na nasa harapan nila na nauuna.
Tila sinaksak ng libo libong punyal sa dibdib si Amira sa narinig.
Masakit.
Umasa sya na sa pagkikita nila magiging okay ang lahat pero heto. May nagmamay ari na pala sa puso nito.
Nagulat sila ng tumawa si Ritch.
“Chers, pasensya na. hindi ko kasi naintroduce si Alex ng maayos kanina. Her real name is Queen Alexandra Leviste.” Umpisa ni Ritch.
Muntik na mapatutop si Amira sa narinig. Leviste? Kaano ano nito si King Alexander Leviste II? Or si Xander?
“Ano sya ni Xander Leviste?” hindi nya napigilang itanong kay Ritch na nakangiti sa kanya.
“They’re twin Alexander and Alexandra.” Paliwanag ni Ritch na ngingiti ngiti. “Laki kasi sa France si Alex, siguro napagtrippan ka Amira.”
Napaisip sya bigla.
Last time na magkita sila ni Xander ay galit na galit ito sa kanya. Ang balita nya sa International School ito nag aral.
Hindi kaya ibinilin siya nito kay Alex para pagtrippan sya?
Ang sasama talaga ng ugali ng magkapatid na ito!
Palibhasa mga spoiled brat! Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Pinili niyang manahimik.Pagdating nila sa restaurant. nakasabay nila sila Vice Mayor James. Nakita nya agad ang mga ito dahil nasa bungad lang ito ng restaurant.
Naasiwa sya. hindi sya kumportable sa sitwasyon. Lalo pa at panay ang sulyap ni James sa pwesto nila.
Nang may tumawag sa phone ni Pj. Humingi ito ng paumanhin upang sagutin iyon.
"Excuse me." Paumanhin ni Alex para pumunta naman ng washroom.
And Amira noticed. Si Alex pala ang tinitingnan ni James at hindi sya pero ayos lang.
Wala na rin naman sya nararamdaman dito.
Maraming taon na ang nakakalipas dahil narealized nya na may taong mas karapat dapat sa pagmamahal nya.Napatingin sya kay Pj sa may labas na may kausap sa phone.
But he is already staring at her. She blushed nang kumindat ito sa kanya na nakangiti.
Nakakainis pero sobrang kinikilig sya. Alam nya kung paano siya papangitiin.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AcakCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...