Habang papasok sa malaking bahay ng Elizalde. Pigil ang hininga ni Amira habang nakadikit ang katawan niya sa katawan ng binata.
Inaalalayan kasi sya nito kaya pakiramdam nya ay sobrang pula ng mukha nya dahil hawak sya nito sa siko.
Nakatingin sa kanilang dalawa yun mga tao sa loob pagpasok nila.
Lalo na ang kuya nya. Masamang tingin.
Pero wala syang pakialam! Kung tutuusin ay may atraso pa ito sa kanila ni Pj. Lalo na sa kanya.Sinalubong sila ni Clara.
“Hello ate Amira! You look good.” Yakap nito sa kanya.
“Salamat Clara. Ang laki mo na.”
Masaya niyang bati sa dalagita.Noong umalis kasi si Pj papuntang ibang bansa, sa Manila naman ito nag aral kasama si Ritch at Miss M.
Food is ready pagpasok nila sa kitchen. Pagkatapos siyang ipaghila ni Pj ng upuan at ang mommy niya ay naupo na ito sa katapat niyang upuan.
kinakausap na ito ng kanyang ama habang kumakain na ang lahat.
“So, kamusta naman ang naging buhay mo sa ibang bansa, iho? Kwento ng mommy mo nag-topnotcher ka sa Bar Exam at maraming kumukuha sayo na private consultant sa mga malalaking kumpanya.” simula ng daddy niya na humahanga.
Tila nahihiya na napakamot ng noo ang binata. “Well, it was great. I learned a lot from different people tito.” Kwento nito pagkaraa’y tila naninisi itong tumingin sa ina na nakangiti. “Si mommy talaga. You don’t have to tweet my personal life.”
“You can’t blame me. I’m just the proudest mom here.” Kindat nito.
“Oo nga naman. Hindi ka parin nagbabago. Mahiyain ka parin. Ayaw na ayaw mo na pinag uusapan ka.” Ngiti naman ng mommy ni Amira.
Close kasi ito at si Pj dahil nababaitan ito sa binata, wala lang talaga choice ang ina kung hindi ilaglag si Pj noon kapalit ng kaligtasan ng kuya niya.
“kailan naman ang balik mo sa Amerika?”
Napatingin ang lahat sa kuya ni Amira nung tanungin nito si Pj.
“I will stay here for good.”
Napatingin naman kay Pj ang lahat ng mga sandaling yon.“Talaga kuya?” tanong ni Ritch na hindi makapaniwala habang tila sumayaw naman ang puso ni Amira sa tuwa.
Makikita na niya araw araw ang binata dahil magkalapit lang naman ang mga bahay nila. May pagkakataon na siya para makabawi rito.
“Paano yun naiwan mo na trabaho sa Amerika?” tanong muli ng daddy nya.
Tila naiilang naman ang binata dahil lahat ng paningin ay nakapako sa kanya.
“Nagresign na po ako. Dito na ko magtatrabaho. Wala ng dahilan para mag stay pa ako ng New york. Remember?” Matipid na sagot ng binata na tila kinakausap ang mga kapatid at ang ina nito na natahimik lang na tila may iniisip.
“What’s wrong?” tanong ni Amira sa katabing si Clara na ngumiti.
“Personal problem na yun ni kuya, ate Amira. Pasensya na.” sagot ni Clara na pabulong din para hindi sila makaistorbo.
Hindi nito sinabi sa kanya kung ano ang dahilan ng kuya nito.
Tumikhim ang daddy nya. “Kung gusto mo ikaw nalang ang kukunin ko na private consultant ng kumpanya? Tiwala naman ako sayo.” Alok ng daddy nya.
“Thanks tito but I want to be a public consultant.” maagap na sagot ni Pj sa ama.
Napaawang ang labi ni Amira.
Mauulit na naman ba ang kahapon? Ang pagiging V nito?
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...