Tanghali na nagising si Pj pero hindi niya parin makuhang maidilat ang mga mata.
Nakangiti ang mga labi niya na tila sumasayaw sa musika na nasa puso niya.
Kahapon nakausap niya yun mga investigators na nakakuha ng singsing sa kamay ng isang sunog na babae.
Kinuha daw nila ito para ma-locate kung ano yun pangalan ng babaeng iyon na nailibing na nila 3 years ago. Kasama ng mga gamit nito.
Ngayon lang siya natagpuan dahil yun control number ng ring ni Yesha ay sa ibang bansa pa galing.
At since nasa Pilipinas siya kaya nahirapan ang mga imbestigador na mahanap siya dahil hindi na siya bumalik sa ibang bansa.
Masaya siya dahil kahit pinipilit lang niya maging normal ang buhay niya dahil sa guilt na dala. Alam nyang pinatawad na sya ni Yesha.
Kasi pinadala nito si Amira sa panaginip nya.
Ilang taon nya itinago sa puso nya yun totoong nararamdaman nya. Iniisip nyang mahal nya si Yesha.
Yesha knows it na sa puso nya si Amira parin.
At ngayon...
Malinaw sa kanya yun mga bagay na hindi nya maamin.
Mahal nya parin si Amira. Dahil sa panaginip nya nakipagtalik sya dito at masaya sya.
Nang may tumikhim at naramdaman nyang may tao sa loob ng kwarto nya ay napakislot siya sa pagkakahiga nang marinig ang boses ng mommy niya.
“Siguro naman, normal na pag iisip mo. Pwedeng tapos ka na managinip na kasama mo si Yesha kagabi.”
“Mom?..” nabigla niyang sambit at napahalukipkip sa kumot nang mapansin na nakahubad siya.
Bakit siya nakahubad?
“Kung hubad ka sa panaginip mo dahil nagtalik kayo ng namatay mong asawa? Normal yon. Pero kung nakahubad ka ngayong gising ka na? naaalala mo pa kaya kung sino yun katalik mo? Wag mo sasabihin na asawa mo parin? Nakakatakot yon..”
May laman ang binibitawan na salita ng ina.
Pero Malabo pa sa isipan niya.
Tumayo siya balot ng kumot ang hubad na katawan upang pulutin ang mga damit niya pero napako ang mga mata niya sa mantsa ng dugo sa ibabaw ng kama niya.
Napahilamos sya sa mukha.
Hindi sya nananaginip!

YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AcakCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...