"Kalma lang mahal kong Prinsesa. Hindi pa ako nagsasalita kinikilig ka na." Biro nito sabay himas ng matangos nitong ilong.
"Ano?!" Pinandilatan nya ito ng mata matapos nya magising sa tila isang panaginip.
"Just kidding!" Bawi nito nang makitang nagagalit sya. "Ito naman.. alam ko naman na kay gori ka lang kikiligin." Ngiti pa nito.
"Pj.." babala nya sa binata dahil sa paraan ng pagtawag nito sa boyfriend nya ng 'GORI' or gorilla.
"Peace yo!" pagkuway nito binalingan si Candy. "Hi Bestfriend!"
"Hello." Bati naman ni Candy na natatawa. "Anong atin?"
"I brought you some food." Sabi nito sabay abot ng pizza and pasta.
"Wow! Kaya botong boto ako sayo e." Biro ni Candy habang namimilog ang mga mata sa mga pasalubong ni Pj.
Mahilig kasi talaga si Pj magdala ng pagkain para sa kanila.
"Candy, may boyfriend na ko baka kung anong isipin ng iba." simula ni Amira na lumilinga sa paligid dahil baka may makarinig.
Talaga naman lahat mapapatingin.
Paanong hindi? Napapaligiran sila ng sikat na banda ng campus..
Ang Vocalists!
"Hindi naman kita nililigawan. because I know It's not my turn yet." Depensa ni Pj.
Tumango sya.
Mabuti ng malinaw.Isa pa, masyadong mapagbiro si Pj para paniwalaan lahat ng sinasabi nito.
Nagtawanan ang mga kaibigan nito.
"Laslas na bes." Biro ng makulit na si Enzo na iniaabot ang nail cutter. Marami itong kaibigan dahil mabait at makulit ito.
"Sira.. mamahalin din ako ni Princess kapag available na sya." Tawa ni Pj
"Insan, tapos ka na ba manligaw?" Iritableng sabi ng mayaman at supladong si King Alexander Leviste na anak ng Judge. "There are so many fishes in the sea! Amira Jang Sebastian is just the most ugliest and stupid girl in this campus."
Sasabat sana si Amira dahil sa masakit na salitang sinabi nito pero nagsalita si Pj.
"I don't need many fish pinsan. Magsorry ka." Seryosong utos ni Pj rito.
"No!" Matigas na tutol nito.
"King Alexander!" Sigaw ni Pj.
Nagpalitan ng tingin sila ni Candy sa magpipinsan na namumutla. Napapatingin ang ibang estudyante sa canteen.
Tumayo si Pj at lumapit kay Xander. Matalim ang mga titig na pinukol nya dito. Ganun din si Xander rito.
Nagsalita ang matalinong friendly na si Emman. "Guys!"
Yumuko si Xander. "Sorry Sebastian."
Pagkabigkas nya nun ay pabangga sa balikat ni Xander na umalis si Pj at walang lingon likod.
-Grabe! Nakakatakot si Pj magalit. Intense. Ito naman kasi si Xander parang Drayber ng killer bus. Walang preno! preno!
Jessica Ybarra
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...