Kinausap nila Pj at Alex ang mga mamamayan na ipaglaban ang karapatan nila sa sarili nilang lupain.
Alam kasi nila may karapatan ang mga ito na ipagtanggol ang mga sarili lalo pa at Hawak naman nila ang mga dokumento nila.
Ayon sa kasaysayan, ang buong bayan ng San Andres ay pagmamay ari ng pamilyang Yuchengco-Andres na may lahing hapon at espanyol.
Dahil matatapat ang mga trabahador nila sa hacienda at mababait naman ang pamilya ay pinaghati hati ang malawak na lupain at ang parte nito at pinamigay sa mga tauhan.Sa isyung yon tiyak na hindi mahihirapan sila Pj dahil ang nag iisang natira nalang sa pamilya ng Yuchengco-Andres sa bayan ay si Coco
Sa halip ay pumirma sila ng petisyon para sa pagpapatigil ng mga illegal na gawain sa kabundukan.
Palabas na si Pj sa Munisipyo nang harangan sya ni Mayor James.
"Wag mo pakialaman ang bayan ng San andres! Hayop ka. Nilalason mo ang isip ng mga kababayan ko."
Pabulong nito sa kanya na nakangiti. Palagi ito nakangiti kahit iba ang lumalabas sa bibig.
mapagbalatkayo si Mayor James kahit noon pa kaya hindi nakakapagtaka na napatalsik nito ang dating Mayor na si Mateo.At yon ang gusto nya makita ng mga tao.
Na fake ang ugali nito. Na isa itong traydor at maraming itinatagong lihin.
Napatiim ang bagang nya."Kababayan ko rin sila at concern ako sa kalagayan nila. Hindi mo ako mapipigilan na tulungan sila."
Tinapik sya ni Mayor James sa balikat.
"Ako ang San Andres! Elizalde.. lahat ng sabihin ko batas. Lahat ng gustuhin ko natutupad. At Ikaw? Dating napatalsik sa school dahil sa bad records. Huh?" Asik nito.
Hindi na nagsalita si Pj. Hindi dahil naduduwag sya o tama ang sinabi nito tungkol sa bad records na ito rin naman ang may kagagawan kung bakit nasira ang pangalan nilang magkakaibigan noon.
Hindi na sya nagsalita dahil alam nyang walang dahilan para makipagsagutan pa sya kay Mayor James. Hindi nya kailangan bumaba sa level nito.
Hindi nito kailangan magalit o masindak.
Kung wala naman ito ginagawang masama?Pero sa nakikita nya. Simula nang makabalik sya sa bayan. Pakiramdam nya sa pinapakita nito?
Isa syang malaking treat."Baka magaya ka sa ama mo." Ngisi ni Mayor.
Nagkuyom sya ng kamao. Pinigil nyang magalit.But he have something to say.
"Wait for the truth to punch you mayor." Makahulugan nyang turan dito.
Ito naman ang napawi ang ngiti.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
De TodoCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...