Napabuntong hininga si Amira .
Ang araw sana na iyon ay para sa anniversary nila ni James pero hindi man lang nag effort ito.
Hindi man lang nito naalala na araw nila yun. Pinili pa nito makasama yun mga kasamahan sa school Org nila.
Student president kasi ang boyfriend nya sa buong campus.
Alam naman nyang busy ito pero sana kahit saglit man lang pinuntahan sya nito.
Ni hindi nga sya nito binati.Napasandal sya sa locker room.
...wake up! Amira.. may pag asa pa ba? Parang ikaw nalang nagmamahal...
Sigaw ng isip nya. Nagulat sya nang may magsalita sa gilid nya.
"Too deep."
Sapo nya ang dibdib. "Pj? Anong ginagawa mo dito? Locker ng babae ito ah."
Hindi ito kumibo. Nakasandal ito sa may locker na malapit sa kanya. Nakatingin sa malayo.
"Sorry..."
Kinunutan nya ito ng noo.
"Para saan?" Nagtataka nyang tanong kay Pj.Sa wakas ay nilingon sya nito. Seryoso ang gwapo nitong mukha at ang mga mata nito ay tila nangungusap sa kanya.
Napalunok sya habang nakikipagtitigan rito.
Bakit ba pakiramdam nya Ang mga tingin ni Pj ay tila nanunuot sa mga kalamnan nya. Kapag kausap nya ito ay parang hinahabol sya ng paghinga.
At masaya sya na kaibigan nya ito. Pero kaibigan nga lang ba talaga?
Hinawakan nito ang palad nya kaya nagulat sya. Pinisil iyon. Mainit ang palad ng binata. Malambot na akala mo kinukuryente sya. Gusto nyang bawiin ang kamay nya pero nagsalita ito.
"Sorry sa mga sinabi ng pinsan ko."
Napalunok sya ng may pait. Naalala nya ang masasakit na salitang binitawan ni Xander.
Na mahina ang ulo nya at pangit sya.Ngumiti sya at binawi ang kamay ng may panghihinayang. "Okay lang kasi Pinagtanggol mo naman ako. Kaya lang wag mo na ulitin dahil baka mag away pa kayo nang dahil sakin."
Ipinasok ni Pj ang kamay sa bulsa. "Magkaibigan tayo. Kahit ang ibang tao ipagtatanggol ko lalo na sa pagkakataong kaya ko at alam kong dapat."
Napatango sya at lihim na humahanga.
Doktor ang ama ng kaibigan at teacher-writer ang ina nito pero ngayon palang nakikita nyang magiging abogado ito. Masyado itong maka masa. Kahit di kakilala tinutulungan.
Tatalikod na sana si Pj pero napahinto ito.
"Gusto mo bang makakita ng shooting star?" Tanong ng nakatalikod na si Pj.
Napakunot muli ang noo ni Amira.
"..Ang mga kaibigan natin, parang krayola yan.. iba iba man sila pero yun bawat isa sa kanila.. nagbibigay satin ng kulay."
Jessica Ybarra
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...