46. "Confrontation."

5 0 0
                                    

"Nakita nya ko.."

Napatingin sila Pj kay Ayesha habang nagsasalita ito.

"Sino?" Tanong ni Edward.

"Si Marian.. nakita nya ko. Alam nyang buhay ako."

Kumabog ang dibdib ni Pj. Alam nyang nanganganib na naman ang buhay nito.

Ilang beses na nila pinagtangkaan ang buhay ni Yesha. Hindi nila alam na meron si Yesha na matibay na ebidensya na magpapabagsak sa kanila.

Hinawakan nya ang kamay nito.

"Wag ka na bumalik sa condo. Dito ka nalang. Mas safe ka dito." Payo nya dito.

Pinalis nito ang kamay nya.

"Gusto ko na mamuhay ng normal, Pj! Lahat nalang nawala sakin ng dahil sa pagtatago ko!"

Agad na inalo nila Enzo at Alex si Yesha habang si Pj.. hindi nakakibo.

Tama naman si Yesha. At nahihirapan ang kalooban nya sa nangyari. Dahil ito ang naiipit higit sa lahat.

Hanggang sa makauwi sya ng bahay ay iniisip parin nya kung paano ang gagawin. Paano masosolusyunan ang kaso ng walang madadamay.

Pero pakiramdam nya lahat sila damay na.

Hindi nya naabutan ang asawa na madalas nag aantay sa kanya sa garden.
Nasa kwarto ito at nakahiga.

"Asawa ko... bakit andito ka?" Lambing nya rito.

Pero nagulat sya. May luha sa mga mata nito.

"Masama kasi yun pakiramdam ko."
Sagot nito sa kanya at muli syang tinalikuran.

Pero kinutuban sya.

"May problema ba?"

Bumalikwas si Amira paharap sa kanya. Masama ang tingin nito.

"Wala naman magiging problema kung walang maglilihim." Simula nito. "May gusto ka bang aminin?"

Napalunok sya.
Alin sa mga lihim nya ang alam na ng asawa?

Yun Vigilante o yun???

Napatingin sya sa mata nito na masama ang pagkakatitig sa kanya at patuloy ang pag alpas ng luha.

"Buhay sya.. tama ba?" Simula nito. "Hindi nya ako kakilala pero kilala ko sya. Hindi nga nya alam na yun nakabangga nya sa church kanina ay ako na naging kapalit nya para maging asawa ka." Sumbat nito.

Pakiramdam nya kumirot ang ulo nya kaya napataas ang boses nya.

"Amira naman! Hindi magiging hadlang si Ayesha sa pagsasama natin dahil una palang alam naman nya na ikaw ang mahal ko."

"Pero bakit kailangan ilihim mo sakin na buhay sya."

Doon sya natigilan..
dapat ba sabihin nya sa asawa yun tungkol sa 'V'?

Hinablot nya ang asawa payakap sa bisig nya. Nagpumiglas ito pero hindi nito kaya. Dahil mas malakas sya.

"Ipapaliwanag ko din sayo lahat. Sa ngayon magtiwala ka muna.

Pero alam nyang di ito kumbinsido.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now