6. "With Elizaldes"

12 0 0
                                    

Pumunta si Amira sa bahay ng mga Elizalde.

Nagbonding sila. Naglaro ng family games.
Pinagluto nya ang mga ito ng spaghetti. Request ni Pj

Bilang ganti, ginawan sya nito ng double chocolate Frappe na gustong gusto nya kaya busog na busog sila.

Nasa komedor sila at masayang nagtatawanan habang kumakain nang nanukso si Clara.

"Kaya patay na patay sayo si kuya Pj.. ang sarap mo kasi magluto ate Amira." tudyo nito. Agad na tinakpan ni Pj ang bibig ng nakababatang kapatid.

"Ang daldal ng kutong lupa.."
Namumulang sabi ni Pj

Tawanan.

"So kailan naman ang kasal?" Biro ni Professor Julian.

Namula sya habang napakamot ng ulo si Pj.

"May boyfriend po si Princess." Paliwanag ni Pj.

"Handa naman maghintay ang anak natin daddy." Biro ni Miss M sabay kindat sa kanya.

Lalo sya namula sa hiya.
Natawa si Professor Julian.

"Nagbibiro lang kami Princess.. pero boto talaga kami para sa panganay namin." Ngiti nito.

Hindi na sya kumibo. Wala kasi sya masabi.

"Guys... tigilan nyo na nga sya." Awat ni Pj na seryoso kaya nagbulungan nalang ang mga nanunudyong pamilya nito.

Maghahating gabi na nung ihatid sya ni Pj sa tapat ng bahay. Habang papalapit sila sa gate ay nagsalita si Pj.

"Salamat ah."

Napaangat sya ng ulo at natatawang napatingin sa binata.

"Para saan?"

Nagkibit ng balikat ang binata. "Sa masarap na spaghetti. Next time ulit ha? Saka gusto ko kapag nangyari yun.. ikaw na yun misis ko." Kindat nito sa kanya nung nilingon sya kaya di nya napigilang tumawa ng malakas.

Si Pj naman kasi palagi syang binibiro. Akala tuloy ng lahat nanliligaw ito sa kanya.

Para syang kinikilig habang nililigawan ng crush nya.
Pero hindi nya crush si Pj!
Ang ibig nya sabihin...
talagang gwapo ito. Matalino. Magaling kumanta. Sumayaw. Magdrawing. Palakaibigan.
At higit sa lahat... Pilosopo!

"Amira!"

Pareho silang napalingon ni Pj. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Amira dahil kilala nya ang boses na yun.

At ngayon.. alam nyang dapat syang matakot.

"Mmmm... sino naman kaya itong mystery voice na ito? Voice palang takot na si Amira...
Balik tayo sa bonding ng pamilya.
The question is, kailan kaya papansinin ni Amira ang mga Da moves ni Pj para mapabilang sya sa Elizaldes? Mmmmm..."

Jessica Ybarra

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now