Ilang araw na nya di nakikita si Pj at ang mga kaibigan nito.
Ang alam nya ay suspended ang mga ito.She was trapped..
"Miss Sebastian, parang nagulat ka pa? Diba inutusan mo si James na aminin samin na kilala mo ang V at ang school hacker."
"Ho?" Pagulat nyang tanong.
"Diba sabi mo sakin na yun school hackers at V ay ang Vocalist? Sabi mo sila may kagagawan ng lahat. Diba sinabi mo sakin?"
Pilit sa kanya ni James sa kaya nagulat sya dahil wala syang sinabing ganun.
Niyakap sya nito sa harap ng Presidente. "Wag ka matakot aminin kay President ang totoo. Di ka namin pababayaan."
"Ano bang sinasabi mo?" Bulong nya kay James.
"Iligtas mo yun kuya mo dahil kapag nalaman nila na sya ang hacker. Makukulong sya." Bulong din nito.
Humarap sila pareho sa Presidente. Gusto nya maiyak ng sandaling yon dahil alam nyang may mali pero wala syang magawa.
"So, Miss Sebastian.. sino talaga ang V at ang hackers? Sa totoo lang, mas mabigat ang kaparusahan ng mga V dahil sa ginawa nila samin mga administrators. Sinira nila ang school reputation sa pag exposed ng mali dito."
Napalunok sya.
At ngayon nga ay hindi nya alam kung saan sya balak dalhin ng mga paa nya.
Kanina okay naman sya. Nakasalubong pa nga nya ang Vocalist.
Nakangiti pa sa kanya si Pj pero malungkot ang mga mata nito at laylay ang balikat.Balak nya sana kausapin ito ngunit matalim ang mga mata sa kanya ni Xander at ang bilis nila maglakad.
Inisip nya na okay na siguro pero sa ibang araw nalang nya ito kakausapin.
Kanina habang papasok sya sa unang klase alam nyang sa loob ng room sya gusto dalhin nun.
Pero bago sya makapasok sa loob ay pinigilan sya sa kamay ni Monica."...Ang kapal ng mukha mo! Ikaw ang dahilan kung bakit napatalsik ang Vocalist sa school. Wala naman sila ginagawang masama. Hindi sila ang hacker! ngayon wala na ako pag asa kay Pj dahil pupunta na siya sa Amerika."
Nagulat sya sa sinabi nito. Kaya ngayon hindi nya alam kung saan sya dadalhin ng paa nya.
"...Girl, si Pj... kaya pala nya binugbog si James last time kasi nahuli nyang nakikipagsex kay Sarah sa SC room. Nagalit si Pj pero tinawanan lang sya ni James at sinabihan na kung gusto ka ni Pj, kay Pj ka nalang daw."
Lakad dito. Lakad doon. Hindi nga nya namalayan na sumakay sya ng taxi at bumaba sa tapat ng bahay nila Pj kung saan naabutan nyang umiiyak si Clara at Ritch.
Yumakap sa kanya si Clara.
"Ate... pigilan mo si Kuya umalis. Sayo lang makikinig yon."Napatingin sya kay Ritch na umiling.
"Amira, nakapagdecide na si kuya.. mauuna sya kay daddy sa America."Hindi na sya nakapagsalita. Tumulo ang luha nya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...