26. "Vigilantes Is Real"

10 0 0
                                    

“Uh.. I need coffee. Sumakit ang ulo ko sa surprise bomb.” Hilot ni Edward sa ulo niya habang nakaupo sa sofa sa underground hideout ng grupo. The Actor/Socialite.

“Karma is real bro!” tudyo ng makulit na si Enzo. “Hindi mo kasi ako pinakilala sa mga chicks mo kaya ganyan!” The Radio Dj.

“Here we go again.” Hilot ni Coco sa sentido. The Engineer.
Habang pinapanood ang  ginagawa ni Emman. The Web Programmer.
na makakuha ng footage ng CCTV sa pamamagitan ng paghahack ng mga files sa Police station ng San Andres.

Hindi kasi sila pinayagan mangialam sa kaso. Dahil hindi daw sila alagad ng batas.

“Hey Techno boy!” tawag ni Xander. The Businessman. sa abalang si Emman. “I'm gonna sleep, it’s late so I need to rest. Wake me up when you're done.” tapik nito kay Emman sabay tumayo.

“He has a name, It’s Emman! brother. And he’s your younger cousin.” Irap ni Alex sa kakambal. The Lawyer.

“Whatever?”

“Sama ako papsi! Tabi tayo.” biro ni Enzo kay Xander.

“Fuck you.”

Tawanan.

Ganun lang naman sila. Kahit mainitin ang ulo ni Xander at bastos ang mga binibitawang salita. Magkakaibigan sila, magpipinsan at nagtuturingan na magkakapatid. Kaya kapag nasaktan ang isa, apektado na ang lahat.

Gaya ng nangyari kay Pj at Amira.

Kaya ganun nalang ang galit ni Xander.

“Where is Pj?” hangos na dating ni Miss M.

“He will not come ninang.” Sagot ni Coco.

“Nakausap ko na yun mga pulis. According to them, Mayor Mateo is the subject.” Kwento ni Miss M. “Bomb threat lang ang nangyari.”

“Shit.. they did that during Foundation Day of San Andres Academy?” halos di makapaniwalang tanong ni Alex. “San Andres Academy and the Church helping the town. Rich people donating to support the landless and poor.”

“Pero kahit ganun maraming sakim na gusto mawala ang Academy at buong mamamayan ng San Andres lalo na ang simbahan. Magtatayo sila ng mga malls at iba pang business na magiging dahilan ng pagkawala ng bayan. At yun ang pinipigilan natin mangyari.” Si Coco.

Tahimik na nag isip ang ilan sa seryosong pagpupulong ng grupo. Hindi nila pwedeng ipagwalang bahala ito.

“Malapit si Mayor sa simbahan, simple? Para makuha ang simpatya ng masa.” Singit ng nagising na si Xander. “Nanalo siya one year ago dahil sa moves niya, nasira siya nung hindi siya malapitan ng mga tao. Playing safe siya kapag eleksyon, pero ang totoo? Ginagamit niya lang ang simbahan para makuha ang loob ng masa.”

“At isa na dyan ang ilagay niya ang sarili sa panganib. Para lang makuha ang loob ng mga tao.”
Sa wakas ay Sali ni Emman sa usapan.

Natahimik ang lahat.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now