45. "Ayesha."

5 0 0
                                    

Galing sa simbahan si Yesha.
Sobrang inip na inip na kasi sya sa condo. Kapag maghapon sya natulog napapanaginipan lang nya kung paano pinatay si Professor Julian. Wala naman sya dapat na ikatakot kasi hindi naman sya yun killer. Pero dahil sya ang may alam kung sino yun killer at ang masakit na parte na kilala sya ng killer.
Baka dapat siguro matakot nga sya?

Pero pagod na sya. At dahil sa pagtatago nya nawala si Pj sa kanya. Wala na sya nakikitang dahilan para matakot at magtago pa.

Wala na sa piling nya yun taong natatakot sya na mawala sa buhay nya.

Palabas na sana sya ng simbahan nang mabangga sya ng isang babaeng tila nakakita ng multo.

Titig na titig ito sa kanya na parang kilalang kilala sya.

Napakunot ang noo nya. Kasi hindi nya ito kilala.

"Miss, are you alright?"

Pero imbes na sagutin ay tinalikuran sya nito.

Napakibit nalang sya ng balikat.
Paglapit nya sa kotse nya sa may parking lot. Agad na bumilis ang tibok ng puso nya.
Hindi nya alam kung kakaripas sya ng takbo o aakto sya ng normal dahil sa mga sandaling ito.
Namanhid ang buong katawan nya.

"Ayesha... buhay ka?" Tila hindi gulat na reaksyon nito.

"Alam mo na hindi ako pwedeng mamatay, Marian.."

Nangangatal ang mga labi nya pero pinilit nyang kumalma. Agad syang sumakay ng kotse nya at pinaharurot yon.

Nakita nya sa gilid ng salamin ng kotse na hindi pa kumilos si Marian.
Pero alam nyang may binabalak ito.

Mabilis syang nakarating ng condo. Nanginginig ang mga kamay nya habang binubuksan ang pinto. Pagpasok sa loob ay agad nyang isinubsob ang sarili sa kama. Doon ay umiyak sya ng umiyak.

Pinatakbo nya ko... si Professor Julian.. Sinenyasan nya ko magtago.
Akala ko kaya ko tumakas pero naduwag ako.. nagtago ako sa lamesa. Naiset up ko yun video cam ko. Narecord yun pagtatalo nila. Wala naman sila plano patayin si Professor.. alam ko mababait sila. Pero si Marian... andun din sya. At kilala nya ako..

Nakita ko lahat.
Nung umalis sila wala ng buhay si Professor. Tatlong tama ng bala baril.
Sinabi nilang nagpakamatay ang Professor pero malinaw naman ang nangyari...
Agad kong kinuha ang video cam kasi ebidensya yon.
Akala ko yon lang ang mairerecord ko pero nakita ko ang isang lalaki na may kausap sa phone. mukhang kagalang galang naman.

..siguraduhin nyo na walang matitira sa ospital na to. kapag nakalabas ang eskandalong ito.. alam mo kung sino ang dapat mong ilaglag..

Pagkasabi nito ng pangalan ay napaatras ako.

Nakatunog ito. Nakita nya ako pero sigurado akong madilim. Agad akong nagtatakbo. Pero narinig ko na nagmumura sya. Kasi may tao na nakarinig sa kanya.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now