Dahil sa matibay na ebidensya. Inaresto si Vice Mayor James sa patong patong na kaso na inihain sa kanya partikular na yun sapilitang pagpapaalis sa mga mamamayan sa mga tirahan nila at mga illegal na gawain. Sya rin ang may kagagawan ng pagsabog sa welcome party ni Pj dahil alam nilang magiging banta si Pj sa San Andres. Nakipagsabwatan sya kay Mayor at later on.. nilaglag nya rin para sya ang pumalit dito.
Marami ang nagulat dahil hindi nila inaakala na ganun pala ang ugali ng mapagbalat kayong bise alkalde.
Pero mas marami ang natuwa dahil sa nangyari. Malaya na ang bayan sa katulad nilang maninira.
Inaresto din si ate Marian dahil sa pagpatay nito kay Professor Julian at planong pagpatay kay Yesha. Pati na yun Arson sa ospital nila Pj na pinatunayan nila Yesha at kuya Jon.
Wala na silang takas ngayon sa batas.
Pero hindi parin gumigising si Pj ilang araw na ang nakakalipas.
Maraming mamayan sa labas ang naghihintay sa paggising ni Pj. Mga natulungan nito. Kaya tumaba ang puso ni Amira sa tuwa.
Hinawakan ni Amira ang kamay ng asawa na nakahiga sa hospital bed.
"Asawa ko. Mahal na mahal kita." Simula nya na naiiyak na naman. "Gumising ka na. Marami kaming naghihintay sa paggising mo."
Hindi nya ito pipigilan kung kung gusto nito ipagpatuloy ang pagiging Vigilantes nito. Lalo pa ito ang lider ng grupo.
Alam nya na noon palang gusto na nito tumulong. Kung dati mga College palang sila hindi nya ito napigil.
Ngyon pa ba?Alam nyang kung papipiliin nya ito kung sya o yun grupo? Alam nyang sya ang pipiliin nito.
Pero this time?
Hindi sya magiging makasarili. Susuportahan nya ito sa lahat. Basta mag iingat lang ito palagi.Basta gumising lang ito. Hindi na sya makapaghintay na sabihin na magiging daddy na ito.
Isinuot nya ang mga daliri nya sa pagitan ng mga daliri ng asawa.
Dinala nya yon sa labi nya pero patuloy parin sya sa pag iyak.Napapikit sya.
"Diba sabi ko sayo.. walang pwedeng magpaiyak sayo?"
Napangiti si Amira nang maluwang. Kahit hirap ito magsalita ay nagawa parin nitong pagalitan sya.
Nagmulat sya ng mata. Nakatunghay si Pj sa kanya.
"Ang tagal mo kasi gumising. Pinaiyak mo ko." Sumbat nya.
Niyakap sya ng mahigpit ni Pj.
"Sorry mahal. Akala ko hindi na ko makakabalik. Pero may batang lalaki na nagturo sakin ng daan pabalik sayo.. pagtapos non.. nagising na ko."
Natawa si Amira na lalong umalpas ang mga luha.
Sasabihin nya na ba? O hayaan muna nya ito magkwento.Yumakap sya rito ng mas mahigpit.
"Mahal na mahal kita asawa ko. Ikaw lang."
"Mas mahal na mahal kita asawa ko." Masayang sagot ni Pj sa kanya.
And they shared a kiss.
.............END....................
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...