Matamlay na si Pj nang makauwi.
Sa totoo lang, hindi sya makapaglakad ng maayos sa sobrang pagod. Ang dami nyang ginawa at pinuntahan maghapon.
Iba ang buhay nya noon kumpara ngayon.
Sa ibang bansa legal consultant sya ng company at private Attorney. Binanayaran sya ng malaking halaga, hindi pa sya pagod.Dito libre nya ginagawa lahat pero ayos lang. Masaya na sya kasi para naman sa bayan. Kahit nakakapagod.
Sinalubong sya ng asawa na nagpapahangin sa labas. Agad syang yumakap dito ng mahigpit at nagsalita.
"Bakit nasa labas ka? Baka sipunin ka."
Niyakap din sya nito. "Naiinip na kasi ako e. Saka excited na po ako makita ka."
Sagot ni Amira sa kanya at kumalas sa pagkakayakap mula sa kanya. Tinitigan sya nito. Napakunot naman sya ng noo.
He suddenly realized na tila binabasa sya nito.
"May problema ka po?"
Umiling sya pero sya na rin mismo nakaisip na sana sinagot nya kasi mas obvious na meron talaga at sa tingin ni Amira sa kanya mukhang naiinis ito.
"Ayokong naglilihim ka sakin Pierre Josef."
Galit ito kasi kumpleto na pangalan nya. Tinalikuran sya nito pero agad nya itong niyakap patalikod.
"Natatakot ako na mawala ka sakin."
Hindi makapaniwalang hinarap sya ni Amira.
"Nakuha mo na ko diba? Ikaw nga yun first kiss ko eh. Pati apelyido mo dala ko na dahil kasal tayo. Ano pa?"
Iritang asik sa kanya ni Amira. He is scare to ask about this one but he insisted.
"Yun puso mo?"
Saglit na natahimik si Amira na tila hindi makapaniwala sa sinabi nya.
"Ayoko ng walang tiwala sakin."
"Mahal ko.." habol nya rito hanggang kwarto pero hindi sya nito pinapansin.
Ang ginawa nya ay hinablot nya ito at siniil ng halik sa labi. Nanlalaban ito at kumakalas sa pagkakayakap nya pero dahil malakas sya wala ito magawa kundi magpaubaya hanggang sa naramdaman nyang tumutugon na rin ito sa mga halik nya at nang kapwa na sila hingal, naghiwalay na ang mga labi nila pero hindi ang kanilang bisig.
Hinampas sya ni Amira sa dibdib. Luhaan ang mata nito."Nakakainis ka! Wala kang tiwala sakin! Nakakainis ka!"
Paulit ulit na hampas nito sa kanya. Hinuli nya ang kamay nito at dinala sa labi nya.
"Sorry po. Natatakot lang ako na mawala ka."
Niyakap nya ito ng mahigpit at nakahilig ang ulo nya sa bisig nito."Mahal ko. Ano bang nangyayari sayo? May problema ka ba?" Yugyog nito sa balikat nya. "Hindi ako mawawala sayo. Pangako yan." Malambing na bulong ni Amira sa tenga nya.
Pero mas hinigpitan nya ang yakap nya rito.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...