Academy night..
Ang daming bisita. Iba't ibang personalidad. Kilala kasi ang pamilya nila Pj kaya lahat halos gusto dumalo.
Isa pa, ang San Andres Academy ay ipinatayo talaga ng Lolo ni Pj para sa mahihirap.
Speaking of Pj, hinahanap nya ito. Kanina nya pa ito hindi nakikita.
Medyo madilim sa paligid kaya hindi nya namalayan na bumangga sya sa isang bisig.
"Sorry.."
agad niyang paumanhin pero nung mag angat siya ng mukha. na-bad mood sya!
Si Xander ang nasa harap niya at nakangisi ito while eating his favorite chocolate bar.
"So, you are also here Sebastian?"
"Because I need to. I'm teaching here."
Paliwanag niya kahit alam niyang masama parin ang isasagot nito sa kanya. Atleast hindi siya sumabay sa masamang ugali nito at ng kakambal nito.
"Ohh... shit!" bigla itong napatutop sa bibig. "Atleast aware na ako! Na hindi dapat mag aral dito ang magiging anak ko. Because some teacher here is a certified bitch." Kindat nito sa kanya.
Namula ang pisngi ni Amira sa sobrang pagkapahiya.
Kahit gaano siya ka-proud sa na-attained niya. kapag si Xander ang nakakaharap niya? balewala ang lahat.
"Dear twin brother, will you stop that?" singit ni Alex na sumulpot sa likod niya.
"What?" Ngisi ni Xander. "Balita ko twin sis, bitch tawag sayo ng Vice mayor na bobo? So, are you both friends already? Two bitchfriends?" nang aasar pa nitong tawa na ang tinutukoy ay silang dalawa ni Alex.
Ngumiti ng nakakaloko si Alex dito.
"Yes we are. So, Stop being mean and stop bothering Princess." Sabi nito sa kapatid
pagkuway binalingan siya ni Alex.
"Sorry for what he did."
Paumanhin nito sa kanya.And she's different right now.
Hindi yun Alex na bully kanina. Yun malakas mang asar. Though tinatawag parin sya ng Princess nito.
Napabuntong-hininga siya.
Ano na naman kaya ang pinaplano nitong babae na to?
"Okay lang. sanay na ako." Kaswal niyang sagot.
"Mabuti naman. Because this is just the beginning. After what you did." Babala ni Xander na ipinaalala ang nagawa nya noon.
"Hey, what's going on?"
Si Pj, hinawakan siya nito sa balikat. "Binubully ka ba ni Xander?"Umiling siya at pinilit ngumiti. "No." paos niyang tinig.
kilala nya si Pj magalit. Ayaw nyang magtalo yun dalawa.
Nang dahil sa kanya. Buti nalang at umalis na ang magkapatid"Don't deny it. I know Xander better. Bata palang kami kasama ko na siya. But I hope Makita mo rin yun good side niya. He's very sensitive and sweet."
Kwento ni Pj sa palayong si Xander at Alex.
Tumango nalang siya.
Hindi na siya umaasa dahil ang palagi niyang nakikita ay ang pagiging beastmode nito sa kanya.
Ilang Segundo lang ang lumipas, isang malaking pagsabog ang naganap sa entrance ng Academy na nagpayanig sa kanila.
"Dapa!!" sigaw ni Pj at inalalayan siya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
РазноеCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...