Palabas palang sya ng gate nang makita nya ang kotse ng asawa na humaharurot.
Hindi pa nakaparada ng maayos ay bumaba na ito at tila hindi sya nakita kaya tuloy tuloy ito pumasok sa bahay.
Nagmamadali ito na tila balisa kaya kinabahan sya.
Ano kayang problema nito?
Pagpasok nya sa sala ay sakto na pababa na ito sa hagdan na nakahawak sa ulo at nang makita sya nito ay tila nabunutan ito ng tinik at agad sinugod sya ng yakap.
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?"
Sunod sunod na tanong nito kaya napaawang ang labi nya.
Kung ganun ay sobrang nag alala pala ito at inisip na may nangyari sa kanya.
Napakagat sya ng pang ibabang labi."Namiss lang kita."
Si Pj naman ngayon ang napaawang ang labi at biglang niyakap sya ng mahigpit.
"Akala ko kung ano na nangyari sayo."
Hindi na nakakibo si Amira. Kilala nya si Pj na palaging nag aalala sa kanya pero may kakaiba sa kanya ngayon.
At nagtuloy tuloy yon nang mga sumunod na araw.
Palagi itong nakaupo sa garden at malalim na nag iisip.Minsan ay nagpi-piano ito o nagsosounds..
Mga bagay na ginagawa lang nito kapag naistress.Kapag tinatanong nya ito ay nakangiti lang ito at sasabihing wala.
Minsan hindi nya napigilan ang sarili nya. Kinompronta nya ito.
"May Problema ka po?" Simula nya pagkaupo nya sa gilid ng kama. Tila nagulat pa si Pj sa kanya. "Wag mo po sabihin wala kasi hindi ka naman ganyan. Diba sabi ko ayoko ng lihim?"
Huminga ng malalim si Pj at napatitig sa bedsheet. Parang tinitimbang nito kung sasabihin ba nito o hindi?
Tatayo na sana sya nang magsalita ito..
"Pinapabuksan na namin yun kaso ni daddy."
Napatango si Amira sa narinig.
Kaya ba ito nagkakaganito dahil bubuksan ang kaso ng daddy nito?"Nung kanina lang namin nalaman ni Mommy na may makakapagpatunay na sa kaso na sinadya lahat. Yun pagpatay at sunog. Gusto ko na sana sabihin sayo kaya lang alam kong marami kang iniisip nung nakaraan."
Napatango nalang sya. Hindi nya alam ang mararamdaman. Pakiramdam niya ay hindi nya nadamayan ang asawa ng mga panahong kailangan sya nito.
Hinawakan ni Pj ang mga palad nya.
"Mahal.. sorry kung wala ako sa tabi mo para supportahan ka pero palagi lang ako sa tabi mo. Sa lahat ng gagawin mo. Hindi kita iiwan."
Napatango lang ito.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...