Back to normal na naman ang buhay ni Amira sa school.
But today is different dahil magkakaroon ng event sa Academy this week para sa foundation day.
Isasabay na rin ang welcome Party ni Pj sa Foundation day ng school kaya abala ang lahat.
“You need help Teacher Amira? Tapos na kasi ako.” tanong ni Teacher Lyra.
Co-Teacher/ college mates nila ni Ritch.
“Patapos na rin Cher Lyra.” Ngiti niya rito.
“Hi pretty girls!” Sigaw ni Ritch.
May kasama itong magandang babae na mukhang sosyal. Para itong model. Halata dito na mataray ito kaya umiwas na sya ng tingin at baka mapuna pa nito na nakatitig sya. Pero bago nya gawin yon ay nakita na sya nito. Ngumiti naman ito.
Dyosa....
“Hello.” Halos magkasabay na bati nila ni Lyra.
“Alex, I’d like to introduce to you Cher Lyra Torres and Cher Amira Jang Sebastian..” pakilala ni Ritch sa kanila ni Lyra sa babaeng kasama nito.
Halata ni Amira ang naging reaksyon ni Alex nang marinig ang pangalan nya. Ngumisi ito.
“So, you are Pj’s Princess?” tanong nito sa kanya kaya nabigla sya.
Bakit alam nito? Nagkwekwento ba si Pj dito? Namula sya sa hiya pero nakakataba ng puso.
Naputol din ang pagsasalita ni Ritch.
Hindi alam ni Amira kung paano ito sasagutin lalo na at naglahad na ng kamay si Alex sa kanya.
“I’m Alex, Pj’s fiancé.” pormal na pakilala nito na tila nakakaloko ang mga ngiti.
At hindi nya alam kung bakit parang sumama ang pakiramdam nya.
Hindi nya nagawang abutin ang kamay ni Alex dahil sa sinabi nito.Pakiramdam nya tila namanhid ang buong katawan niya. Pati pandinig niya parang humina.
Ang ibig sabihin, nobya ni Pj ang babaeng ito?
Biglang sumulpot si Pj galing sa kung saan. Umakbay ito kay Alex.
“Hi Girls.” Bati nito sa kanila. “So, sis? Nakilala na ba nila si Queen?” nakangiting tanong ni Pj.
Pipi na tumango si Ritch na natatawa.
“So, pwede mo ba sila tulungan magdesign para sa Masquerade event on Friday?” baling ni Pj kay Alex.
“Kaya na namin!” Iritang sagot ni Amira.
Nabigla si Pj at napatingin sa kanya.
“Really? I hope na maging classy yun kalabasan. Hindi ba babe?” baling nito sa nasamid na si Pj.Sa sobrang inis ni Amira, padabog sya nagwalk out pero bago siya tuluyang makaalis, sinabi niyang pagod na sya.
#EncounterWithTheQueen
#RoundOne
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
SonstigesCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...