Nakakunot ang noo ni Amira sa kanya nang sunduin nya ito pagkatapos magturo.
"May problema ka po?"
Alam nyang madali ito makahalata kapag may problema sya kaya ngumiti sya agad at hinila ito payakap sa kanya at siniil ng halik sa labi.
"Ahem.. andito kami.. baka pwede mamaya na yan?" Tudyo ni Ritch sabay tawa ng malakas.
Kasama din nito si Teacher Lyra na nakangiti sa kanila. Pero mukhang malungkot ito.
Masama ang tingin ng asawa sa kanya na namumula ang pisngi."Ikaw kasi!" Sisi nito sa kanya.
Natawa sya ng malakas. "What??" Tuwang tuwa sya sa naging reaksyon ni Amira. Agad syang nakaisip ng kapilyuhan. "Let's make a junior later!"
Hinampas sya nito sa dibdib nang magtawanan sila Ritch at Lyra.
Natigil lang sya sa panunudyo sa asawa nang makipag usap na ito kila Lyra at sa kapatid tungkol sa problema ni Teacher Lyra tungkol sa pagpapaalis sa kanila sa lupa nila.
Binalingan sya ng asawa at binulungan."Mahal, matutulungan mo ba sya?"
"Opo. Bukas asikasuhin na namin. Samahan ko sya."
Sumimangot si Amira.
"Kasama ako."
Napakunot ang noo nya. "Bakit?"
"Kayong dalawa lang?" Arko nito ng kilay.
Saglit lang sya natigilan bago nya maisip kung bakit ito nagkakaganito.
Naalala nya nung minsan nung may nagtanong sa kanya ay napasimangot ito.
nung kumain sila sa labas tapos nakita nila si Monica at halatang nilalandi sya ay binangga nito si Monica.
Masyado ito selosa kaya hindi nya ito binibigyan ng dahilan para magselos.Kinuha nya ang palad nito at dinala nya sa labi.
"Sumama ka para di ako ma-bored.. alam mo naman na hindi ako makapag isip ng maayos kapag wala ka sa paningin ko."
Sa sinabi nya ay napatingin sa kanya si Amira pero halatang pinigilan nito ngumiti.
"Baka mabangga tayo. Bitawan mo na yun kamay ko."
"I'm so stressful all day. And you know that holding your hand makes my mood so calm. Your hand is my cure."
Hindi nya binobola ang asawa. Talaga naman na kapag hawak nya ito, sa tuwing yakap sya nito. Nawawala lahat ng worries nya.
Sobrang sarap sa pakiramdam kapag kasama nya ito.Tapos kapag naiinip sila. Sabay lang sila mag star gazing sa labas or minsan sa rooftop ng bahay nila kaya kahit anong pagod nya ay nawawala basta kasama nya ang asawa.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
De TodoCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...