Habang papasok sa malawak na Hardin ng nga Elizalde. Naisip ni Amira na paunahin na muna ang pamilya sa loob ng bahay.
Hindi nya alam kung paano haharapin si Pj after for so many years.
Wala syang balita dito.
maski ang pamilya nito ay hindi nito ina update.At nitong umaga lang nagulat ang buong pamilya nila nang sabihin ni Ritch na magkakaroon ng dinner sa bahay ng mga ito dahil nandyan na si Pj.
Agad na bumilis ang pintig ng puso niya dahil sa balita.
Ang tagal nya hinintay yun pagkakataon na magkita sila muli ng binata pero sa mga sandaling ito.
Ang lakas ng kabog ng dibdib nya!
Napaupo sya sa may swing na paborito nilang tambayan ng magkakapatid na Elizalde.
Paano nya kaya ito haharapin kapag nagkaharap sila?
"It's cold here. Why staying outside?"
Napaangat ang ulo niya.
Isang matangkad na lalaki na may malapad na katawan, gwapo at nakangiti sa kanya.
Si Pj, Nasa harap niya ito. Naabutan sya nito sa Garden habang nasa loob na ang pamilya niya.
At ang bango niya...
"Pj.." nasambit nalang niya.
Sa sobrang pagkakatitig nya sa binata ay hindi nya namalayan na ang tagal nya napatulala rito.
Yumuko ng konti si Pj at nakangiting lumapit ang mukha sa kanya."Hey.." untag nito sa kanya.
Saka palang siya tila natauhan at agad na binawi ang paningin.
Parang ipinahiya niya ang sarili to think na Teacher pa naman siya sa school ng mga ito.
"How are you Amira?" tanong nito.
Wow. Ang sakit naman.
Dati malambing siya kung tawagin nito ng Princess tapos ngayon Amira nalang?
Para syang sinaksak sa dibdib.
Hindi sya nakakibo kaagad kaya hinaplos ni Pj ang noo nya.
"Are you alright?"Tumango nalang sya dahil parang nagbara ang lalamunan nya.
"I heard teacher ka na. Akala ko magiging chef ka or nurse." ngiti pa nito.
Atleast kilala pa pala sya nito.
Ngumiti siya rito. "Ayaw pumayag ni Daddy sa Manila ako mag aral. Sa San Andres naman daw may school na pero limit ang mga courses kaya nag Teacher ako. Alam mo naman dito sa bayan natin. Walang pag unlad." Paliwanag niya sa napapatangong si Pj.
"I see. So, I think I must call you Teacher A." Ngiti nito.
Natawa siya ng mapakla na parang naasiwa sa sinabi ng binata.Pakiramdam niya kasi may wall na sa pagitan nila.
"That's too formal."
"Okay lang yun Teacher." Ulit nito. "So, how do you deal with kids, huh?" usisa pa nito pero hindi sya kumportable sa flow ng usapan nila.
Gusto sana niya yung siya naman ang magtatanong. Pero sa halip, Sinagot nalang niya ang binata ng wala sa loob.
"Teach them." sagot niya.
Natawa ito bagay na ipinagtaka niya at bumaling ang paningin nya sa binata.
"Ang seryoso mo parin!" ngiti ni Pj sa pormal na pakikitungo nya. "Kung ako ang Teacher nila? play all day and recess with more summer."
Siya naman ngayon ang di napigilan ang sarili na matawa ng malakas sa sinabi ng binata.
"Sira ka talaga!"
"I mean it." Tawa ni Pj
"I know." sabi nya.
Kilala naman niya ang binata at alam niyang hobby nito ang magpatay ng oras noon sa rooftop ng school kung saan ito na set up as school hacker.Tila napahiya siya sa sarili na balikan pa ang kataksilan nya rito.
"What's wrong?" untag ni Pj sa kanya.
Ngumiti lang siya ng tipid.As if pwede nya sabihin dito kung anong nasa isip nya. "Pumasok na tayo sa loob."
"Much better. Gutom na nga ako." Paunlak nito sa paanyaya niya at Inalalayan pa siya nito makapasok sa loob.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...