Nauna syang nagising kay Pj. Nakapulupot pa ang kamay nito sa hubad nyang katawan.
Nakatulog na sila kanina pero nang magising muling inangkin ni Pj ang katawan nya.
At ngayon sigurado na syang mahimbing na ito. Dahan dahan syang tumayo.
Napapikit sya.
Sobrang kirot pero ayos lang. atleast alam nyang mahal nya yun taong umangkin sa pagkabirhen nya.
Binalot nya ang katawan nya ng kumot nang may bumagsak na maliit na plastic sa sahig.
Pinulot nya ito.
...Pj and Ayesha...
Naka engraved sa isang singsing na nasa maliit na plastik.
Pakuwari niya'y pinagsasaksak siya ng milyong katao sa puso ng makailang ulit.
Nakipagtalik sya dito pero may nag mamay ari na pala sa puso nito?
Paano kung hindi pala sya ang nasa isip nito kagabi?
Sunud sunod na patak ng luha ang tumulo sa mga mata niya.
Ang sakit sakit!
Umasa siya pero nabigo siya. At ang tanga niya!
Umiyak siya hanggang magliwanag.Agad nyang pinulot ang damit nya at pagkabihis ay nagmamadaling lumabas ng kwarto ng binata.
Hindi na sya dapat abutan pa nito.
Nung palabas na siya dahan dahan niyang isinara ang pinto.
“Amira?”
Agad syang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.
Si Miss M.
halata sa mga mata nito ang pagkagulat nang Makita na lumabas siya ng kwarto ni Pj.Sino nga ba ang hindi magugulat kung may lumabas sa kwarto ng anak mong binata isang umaga tapos babae pa?
Hindi siya nito tinanong. Agad nitong binuksan ang kwarto at napatutop ng bibig nang makitang walang damit si Pj na nakakumot.
Napalunok siya at hindi na nakakibo. Kung magagawa niya?
Sa Library room...
Ilang minuto na siyang nakaupo sa sofa habang nakatanaw naman sa bintana si Miss M.hindi niya alam kung anong iniisip nito pero ayaw na sana niyang abutan siya ni Pj.
Hindi niya alam kung paano haharapin ito? Or baka hindi nito alam na siya at hindi si Yesha ang katalik nito?
“Obviously, you gave yourself to him.”
Basag ni Miss M sa katahimikan.Pipi siyang napatango. Nahihiya siya sa mommy ng binata dahil iniisip na marahil nito kung gaano siya kababang babae.
“Why?” muli nitong tanong na tila nahihirapan. “Come on hija, pinilit ka ba ni Pj? Tell me?”
“No.. tita.” Naiiyak na naman niyang sagot dito na nahihiyang isiwalat sa mommy ni Pj kung ano talaga ang nagyari. “Lasing po sya..” hindi niya masabi ng direkta ang paksa ng pakikipagtalik dahil nahihiya sya.
Muling napatutop si Miss M. madali nitong nalaman ang hindi niya masabi. Abogado ito, hindi siya makakawala dito.
"Hindi sya umiinom." Nanlaki ang mata nito. “Did He thought that you were his ex Fiancé Ayesha?”
Napatingin siya rito. Hindi niya nakuhang tumango.
Napasinghap ito. “She’s dead anyway. Plane crashed. Susunod dapat siya kay Pj sa Manila para magpakasal na sila dito sa Pilipinas pero naaksidente siya at namatay. Three years ago.”
Kwento nito. “But Yesha is not the issue right now, I’m going to talk Pj paggising niya. Ididiscuss namin yun pagpapakasal niyo.”“Miss M..”
Natigilan ito. “Yes?”
Yumuko siya. “Ayoko po na pakasalan ako ni Pj dahil lang sa nangyari samin.”
Napaawang ang bibig ni Miss M sa sinabi niya. “Hija, reputasyon mo ang nakasalalay dito.” Pagalit ni Miss M sa kanya. “Kung pwede mo lang kasuhan ang anak ko hindi ako mangingialam. Kaso, pareho natin alam na hindi mo pwede gawin yun dahil hinayaan mo lang mangyari yun nangyari sa inyo ni Pj.”
Umiling siya. “Hindi niyo naman po kailangan sabihin pa sa kanila yun nangyari. Lalo na kay Pj..” katwiran niya kaya nanlaki ang mga mata nito.
“At kung mabuntis ka?”
Hindi na siya nakasagot pa.alam niyang hindi sila gumamit ng kahit anong proteksyon ni Pj kaya possible na mabuntis siya.
Hinawakan ni Miss M ang kamay niya.
“Alam mo naman na hindi ka tatakbuhan ni Pj, hindi ba?”
Tumango siya bilang pagsang ayon sa sinabi nito. Dahil alam niyang mabuting tao si Pj. Pero may kailangan siyang sabihin..
“Pero.. napakasakit naman po para sa isang babae na pakasalan lang siya dahil sa pananagutan?”
Sa sinabi niya, saglit na tumahimik si Miss M, maya maya ay hinaplos nito ang mukha niya.
“Well, you’re right!” pagsang ayon nito. “Pero masakit lang naman yun kung si babae, minamahal si lalaki.”
Tila sinampal si Amira sa sinabi nito.
Pero ngumiti si Miss M. “Tingin ko naman hindi na kita kailangan pa tanungin kung mahal mo si Pj? Yun ibigay mo ang sarili mo sa kanya ay isang tanda na mahal mo ang anak ko.”
Hindi na talaga siya nagsalita. Dahil lahat nalang ng sabihin ni Miss M ay tama!
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...