60. "The Truth"

4 0 0
                                    

Sebastian..
Nagmamadali si Pj habang papasok sa bahay ng mga Sebastian nang gabing yon.

Naabutan nya ang parents ng asawa at ang kuya nito.

"Wala si amira dito." Malamig na pakikitungo ni Jonjon sa kanya.

Pero hindi yon pinansin ni Pj. Naupo sya kahit walang nag iimbita sa kanya.

"Alam ko na po yun nangyari kay Daddy.. lahat.."

Nagkatinginan ang mommy at daddy ni Amira pati na si Jon.

"Ano bang pinagsasabi mo?"
Tila nainis na tanong ng daddy ni Amira.

Hindi na sya nag aksaya pa. Binuksan nya ang laptop at Pinanood nya ang video clips na narecord nung mga sandaling namatay ang daddy nya.

Natameme ang mag asawa. Hiyang hiya sa kanya sa napanood habang nagpupuyos sa galit si Jon.

"Nanahimik kami ni daddy. Yon ang pagkakamali namin dahil nagpagamit kami sa kanya." Naiyak ito sa sobrang galit. "Ngayon ay ilalaglag nya kami ni daddy sa bandang huli."

Ilang minuto pa.. hinimatay ang mommy nila Jon at Amira. Inatake ito sa puso.

Agad nila itong isinugod sa ospital sa labas ng San Andres.

Nang gumaling ito ay hiniling ni Jon kay Pj na itago muna sila hanggang sa mapatunayan sa korte ang totoong nangyari.

Di mapatid patid ang luha ni Amira habang pinapanood ang recorded video clips ng kapatid nya na sinasakal ang daddy ni Pj at ilang minuto pa.
Binaril ito ni ate Marian.

Hinawakan ni Kuya Jon ang kamay nya. Pero binawi nya iyon.

"Susuko na ako. Amira. Aaminin ko naman lahat para maging normal na ang pamilya natin. Ako ang magiging testigo sa nangyari." Umiiyak ang kuya nya sa kanya.

Hindi nagsalita ang mga magulang niya. Umiiyak ang mommy nya na ngayon ay magaling na. Si Yesha ang nagmomonitor sa kalusugan nito at ang daddy nya ay katabi nito.

All this time nasa bahay lang pala ni Xander ang mga ito.

Itinago nila para sa kaligtasan ng mga ito.

Naalala nya ang asawa.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now