48. "The Legal Wife."

6 0 0
                                    

Papunta palang si Alex. Sila Emman naman ay nasa hideout maghihintay.

Malapit lang naman ang bahay ni Alex at Xander kaya para hindi siya mainip ay nag stay na muna sya sa loob ng coffee shop.

Ilang minuto palang siya nag stay sa loob nang may umupo sa table kung saan sya naroon. Nakaharap ito sa kanya.

"Excuse me?" Inisyal na reaksyon nya pero magalang naman.

"Hindi ko alam kung naaalala mo pa ko pero ako yun nakabangga mo kahapon sa church." Simula nito.

Napakunot ng noo si Yesha. Hindi nya kilala ang babaeng kausap pero malamig ang pakikitungo nito.
At mukhang kilala sya nito.

"So.. you must be?"

"Pierre Josef Elizalde's wife." Pakilala nito. "Leave my husband alone kasi wala ako nakikitang dahilan para magkita pa kayo."

Napalunok si Yesha.
Ito pala si Amira
So, sino na sa kanila ang legal wife?
Ito na ba yun napapanood nya sa teleserye? Yun confrontation ng dalawang babae over one man?

Sa totoo lang wala naman syang laban.

Hindi naman sya ang mahal.

"I dont want any trouble Amira."

"Aw. Atleast you know my name." Mapaklang ngiti nito sa kanya.

"Yeah. Because when he came back to me. Wala na ako ibang narinig kundi pangalan mo. Sa dami ng sakit na alaala nya sayo. Pangalan mo parin ang binabanggit nya."

Tila natameme si Amira sa sinabi nya. Hindi na sya nag antay pa ng sasabihin nito.
Tumayo na sya at nag iwan ng pera sa table.

But the trouble is still there. Nilapitan sya ng dalawang lalaki na nakabihis pangpulis.

"Ayesha Perez.. inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Professor Julian Elizalde ilang taon na ang nakakaraan."

Tila nabingi si Yesha sa narinig.
Tama ba ang narinig nya?
Sya?..
Ang pumatay kay Professor Julian?

Hindi sya nakahuma. Tinangay sya ng dalawang lalaki na ito na hindi nya kilala.

Parang umiikot ang paningin nya. Isasakay na sana siya ng mga ito sa kotse nang may humablot sa kanya palayo sa mga ito.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now