Maya maya ay Natawa ito ng mapakla at huminto sa harap nya.
"Mukha ba kaming may ginawang masama?"
At dahan dahan na nilapitan sya nito habang sya.. unti unting napasandal sa pader.
"Hoy Pj! Anong plano mo gawin?!" Nanginginig nyang tanong.
Hindi sya nito sinagot. Patuloy ang paglapit nito sa kanya.
Ang hindi nya maintindihan sa sarili nya ay kung bakit sya pumikit nung makalapit na ang bisig nito sa kanya.
Amira! Pwede mo sya itulak o sampalin. May boyfriend ka bes.
Pero hindi nya nagawang kumilos.
Malapit na ang mga labi ng binata sa kanya. Halos nakadikit na ang katawan nito sa kanya. Dama nya ang mainit na paghinga nito sa kanya na lalong nagpapalakas ng kabog ng dibdib nya.
nang magsalita ito..
"As much as I want to kiss you, I just can't. Because of the fact, hindi mo pa ako asawa. At may boyfriend ka pa na mukhang gorilla. Pero kapag dumating yun time na makasal tayo. I won't let each day pass without kissing your lips."
Nakangiti pa ito sa kanya habang titig ang mga mata nito sa kanya.
Biglang nanlambot ang mga tuhod nya at kusa itong bumigay.
Mabuti na lamang at naging maagap si Pj at nasapo sya sa hips bago sya matumba.Dahilan upang tuluyan magtama ang mga labi nila.
Nanginginig ang mga labi at damang dama nya ang malambot na labi ni Pj sa kanya.Para syang sasabog ng mga sandaling 'yon.
"Close your eyes." Utos ng binata.
Hindi alam ni Amira kung bakit?
Pero pumikit sya.And right now.. they are sharing a kiss.
Nanginginig ang mga labi na tinutugon nya ang bawat halik nito.
Pakiramdam nya she wants more of it. Nakikipaglaban ang mga labi nya dito. Mainit.
Dahil ba never sya nahalikan ni James kaya pakiramdam nya nauuhaw sya sa isang halik?Yes, it was her first kiss.
It was hot and passionate one.
It's like there are flowers and butterflies around them.But Pj stopped all of a sudden..
May parating!
Isinubsob nya ang mukha sa dibdib ng binata para itago ang sarili. Hindi dahil sa pag aalala na makita sya ng ibang tao.Kundi dahil sa pagtugon nya sa halik nito. Kahit may boyfriend na sya.
"Asan sila???"
Galit na tanong ng teacher na si sir Perez. Puno ito ng pintura sa buong katawan.
"They went that way sir!" Sagot ni Pj at itinuro ang kabilang daan kung saan wala naman dumaan.
"Nakita mo ba ang itsura ng mga V na yan Mr. Elizalde?" Baling ni sir Perez kay Pj na napakibit ng balikat.
"Nakasuot po sila ng power rangers na pink sir."
Muntik na matawa si Amira sa sinabi ni Pj. Buti nalang at mukha naman nakumbinsi nito si sir Perez kaya tinalikuran na sila.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...