13. "The Great Pretender."

8 0 0
                                    

"Nagseselos ako!"

Nagulat si Amira nang magsalita si James.

Nasa tapat na pala sila ng bahay nila. Hindi nya namalayan.

Kanina pa kasi nya iniisip si Pj at ang ginawa nito. Talagang nalaman ng buong campus na sya ang kinakantahan nito.

"Wala akong ginagawang masama James." Iwas nya rito.

Hindi ito tumigil kakasalita.

"Masama ba akong boyfriend para ipamukha sakin ng Pj na yan sa lahat na hindi kita tinatrato ng tama? Mahal kita Amira. Busy lang ako sa tungkulin ko sa school pero mahal kita." Himutok nito.

"James, mahal din naman kita." Sa wakas ay sabi nya.

"Kung mahal mo ako. Lalayuan mo sya."

Napakagat ng pang ibabang labi si Amira. Tila pakiramdam nya. Huminto ang mundo nya.

Yun nga ang nangyari..
nilayuan nya si Pj.
hindi nya ito kinausap.
Umiwas sya dito.

Ayaw nyang isipin ni James na binabalewala nya ito. Nakalimutan nya na nga yun mga pictures na pinasa ni Sarah.

Ayaw nyang mag away sila.

Isang araw...
Wala na naman sya kasabay mag-lunch. Wala si Candy. Palagi naman wala si James.
Pero si Pj, alam nyang isang text lang nya andito na agad yun taong yon.
Pero hindi pwede.

She is about to start when Candy came...
"Girl, si Pj at James nag aaway sa soccer field!"

Pakiramdam nya namutla sya ng todo. Iniwan nya lahat ng gamit nya at agad na sumama kay Candy.

Ang daming tao na nakapaligid. Nakita nya si Pj na sinasapak ang nasa ilalim na si James.

"Tama na!" Awat nya.

Galit si Pj at hindi ito tumitigil. Walang umaawat.

"Ang sabi ko tama na!" Tinulak nya si Pj palayo kay James.

Natigil ito na hinihingal at nakatingin sa kanya habang sya, inalalayan nyang makatayo ang nobyo habang masamang nakikipagtitigan kay Pj.

Nagtataka ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.

"Princess..."

"Huwag mo ko tawagin Princess! Ayaw na kita makita kahit kailan!" Galit nyang sigaw kay Pj.

Napatda si Pj sa sinabi nya. Halata dito na hindi ito makapaniwala.

"What the Fuck. Sebastian? Ang kapal ng mukha mo!" Singit ni Xander.

Hindi nya alam kung bakit galit si Xander pero ang hindi nya alam ay kung bakit ginawa yun ni Pj.

"Pinsan!" Sigaw ni Pj. Pagkaraa'y nauna itong umalis kasunod ng iba pa na tila disappointed ang mga mata sa kanya.

Naiwan si Xander at binigyan ng isang malakas na suntok sa sikmura si James. Napasigaw sa sakit ang nobyo nya.

"Ano ba?!" Sigaw nya.

Imbes na tumigil ay tumayo ito sa harap nya at tinitigan sya ng masama.

"Nakakaawa ka Sebastian at ang tanga ng pinsan ko. Hindi ka deserving ipagtanggol."
Pagkasabi non ay tumalikod na ito habang naka dirty finger.

Inalalayan nyang tumayo si James.

"Ano ba kasi nangyari?" Baling nya kay James at Sarah. Hindi nagsalita ang huli na unang beses nitong ginawa dahil madaldal ito.

Madalas ito magpaliwanag pero ngayon ay tikom ito.

Binalingan nya ang nobyo.

"Gu-gusto ka nya makuha sakin... Yun lang yon!" Galit pa nitong sabi.

Hindi sya kumibo.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now