55. "Pj VS James"

3 0 0
                                    

Nag iisip sya kung anong kailangan nyang gawin. Ayaw nya ng kausap. Kahit na sino.

"Mukhang malalim yan ah!"

Si James. Naupo ito sa tabi niya kahit hindi niya iniimbita.

Pakiramdam nya napakamalas nya nitong mga nakaraan.
Narito ang pruweba sa harap nya.

Pero baka naman kaya syang tulungan ni James dahil sa koneksyon nito.
Ang tanong? Kaya ba nyang ilaglag ulit ang asawa gaya ng nagawa nya noon?

"Okay lang. Kaya ko to ihandle." Iwas niya dito pero kita ng gilid ng mga mata niya ang pagngiti nito.

"Para naman tayo walang pinagsamahan niyan.."

Huminga siya ng malalim.

"Wala.. away mag asawa lang to."

"Ano ba kasi problema ni Attorney at kailangan nya idamay ang pamilya mo?"

Nagulat si Amira at napatingin kay James.

May alam ito?

"Talaga nga ba na alam ni Attorney Elizalde kung nasaan ang pamilya mo?"

"Si ate Marian lang ang nagsabi. Hindi ko alam. Hindi kami nag uusap dahil sa personal namin problemang mag asawa. Bahala na ang mga pulis."

Pagsisinungaling niya. Ayaw nyang ilaglag na naman sa pagkakataong ito si Pj.
Silang dalawa ang maghaharap tungkol sa pamilya nya.

Napawi ang mga iniisip niya nang mapansin ang biglang pagsulpot ni Pj sa kung saan at masamang tingin ang pinukol sa kanya.

Hinila siya nito.

"Bitawan mo nga ako!" asik niya.

"May asawa ka na. Tama bang makita ka ng ibang tao kasama ang ex mo?" galit ang asawa na tila nagpupuyos ang damdamin.

"Ganun ba ako kalandi sa paningin mo?" mapakla siyang natawa. "Oo nga pala? Hindi ba magkasama din kayo palagi ng ex Fiancé mo? Bakit may dahilan ba para palagi kayo magsama?"

"Stop it! If you want explanation? Then, let's go home. I will explain everything to you because I'm tired of this."

Seryoso ang asawa sa sinabi. Alam nyang nasasagad na nya ang pasensya ni Pj at pasalamat sya at walang tao sa shop maliban sa kanila.

Nakakatakot ito magalit.

"No! Para bilugin mo ulit yun ulo ko? Stay away from me." nanlalaban nyang sagot.

"No!!" Mariing sigaw ni Pj.

"Narinig mo sya Elizalde?"

"Are you part of this?! Huh? Are you part of this?!"

Galit na si Pj at nagkakagulo na sila sa loob.

Tumakbo sya palabas.

Ayaw na nya maging parte ng gulong yon. Masyado na magulo ang isip nya.

And she realized nagkamali sya.
Dahil hindi pa sya nakakalayo ay may sumusunod sa kanyang dalawang lalaki.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now