37. "Dilemma"

5 0 0
                                    

Pagtapos nila mapag usapan kung ano ang gagawin sa unang misyon ay
Nag kanya kanya na sila ng alis.

Sa gilid ng simbahan sila napunta ni Alex para sa Free Legal Consultation Program na naisip niya.

Dinagsa sila ng mga tao. Karamihan sa mga ito ay hinaing ang pagpapaalis sa kanila sa lupang tinitirhan nila at minana pa sa mga nuno nila.

Ayon sa mga ito ay gagawin housing at magtatayo ng mall sa lugar kaya sila pinapaalis.

Pinayuhan nila ni Alex ang mga ito ng kailangan nilang gawin. Pati na ang mga karapatan ng mga ito sa legal na paraan.

Higit na ikinabahala nila ay ang talamak na gawain sa kalikasan ng mga namumuno kaya nagkatinginan sila ni Alex.

Hindi yon maganda.

Darating ang panahon na masisira ang bayan at wala ng matitira sa kanila.

Isa ang bayan nila sa may pinakamaganda at mayamang bayan sa probinsya.

Kaya nagulat sila na may mga kalakalan na pala na ganun.

Hanggang sa matapos na sila. Ay tila nanlulumo sila Alex at Pj sa mga nalaman nila.

Ilang minuto pa ang lumipas bago magsalita si Pj.

"We need to do something about it."
Ang sabi nya pagtayo at inayos ang mga gamit sa table.

"We must." Sagot ni Alex at tumayo na rin nang may huminto sa harap nila.

"Well, Hi Attorney Elizalde and Attorney Leviste." Nang aasar na bati ni Mayor James kasama ang mga body guards nito.

"Ayaw namin ng gulo." Mahinahon nyang sabi rito.

"Pero kung gusto mo kaya naman namin ibigay. Kahit ngayon din."
Matapang na singit ni Alex.

Natawa ng malakas si Vice Mayor James.

"Manang mana ka sa kakambal mo. Bakit di ko naisip na magkapatid kayo? Matatalim ang mga dila. Baka kung saan kayo dalhin ng talim nyan."

Makahulugang turan nito kay Alex pero sa kanya nakatitig na parang hinuhukay ang pagkatao nya.

"Wala tayong kailangan sa isa't isa kaya wag natin sayangin ang oras ng bawat isa." Pagkasabi ni Pj ay aalis na sana sila ni Alex ngunit muling nagsalita si Mayor.

"Hindi ka kailangan ng San Andres. Ang asikasuhin mo yun asawa mo. Baka maagaw pa sya ng iba. Congrats anyway."

Tinapik sya nito sa balikat.
Tapik ni Hudas...

Anong akala nya sa asawa ko? Malandi?

Himagsik ni Pj at babalikan sana ito pero mabilis itong nakasakay sa kotse.

He was an ex boyfriend of Amira for five years kaya may kirot sa puso nya sa sinabi nito.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now