Maghahating gabi na pero nakasilip parin si Amira sa bintana ng sala nila.
Nakita niya si Pj na may kausap na dalawang lalaki sa labas. Seryoso ang pinag uusapan nila.
Maya maya ay sumakay ng kotse ni Pj ang dalawa.
Kinabahan siya dahil sa kahina hinala na kilos ng binata.
Agad na lumabas siya at sinundan ng tingin ang palayong kotse ni Pj.
Nang may dumaan na taxi ay pinara nya ito at sumakay siya.
"Saan po tayo Ma'am?" tanong ng driver.
"Sundan niyo po yun kotseng dilaw na yan kung saan pupunta." Turo niya sa Lamborghini Gallardo na pagmamay ari ni Pj.
Palabas na ng San andres ang kotse ng binata pero ipinagpatuloy niya parin ang pagsunod.
Napansin nyang tinitignan sya ng driver sa may salamin.
"Asawa niyo ba Ma'am?" biglang tanong ng driver kaya parang nagulat siya at napatingin rito.
"Sino?"
"Yun may ari po ng kotse?"
Napilitan siyang sabihin na Oo.
Kung sabihin niyang Hindi? Ano nalang iisipin ng driver na ito? Na masama siyang tao at sinusundan niya si Pj? O malandi syang babae kasi sya pa itong sumusunod sa lalaki?
Pero umaasa siya na Oo! na Asawa sana niya si Pj.
Kung noon pa sana sila na naging magnobyo, sa kasal na sana sila matutuloy!"Swerte po pala ng asawa niyo, mahal na mahal niyo. Pero ma'am, hinay hinay lang po sa pagseselos, baka Manawa siya at maghanap ng iba." Tawa ng driver.
Hindi nalang siya kumibo. Kasi tinamaan siya at alam niyang sobra niyang selosa.
Biglang inabutan ng headlights ang taxi na sinasakyan niya at biglang preno yun driver.
Kainis.
Pagtingin niya sa unahan ng taxi ay wala na ang kotse ni Pj.
"Asan na po yun kotse ng asawa ko?" bigla niyang nasabi.
"Pasensiya na Ma'am, sa kanan po pumasok yun kotse ng asawa niyo eh. Ang bilis po magpatakbo. Pero wag po kayo mag alala. Hahanapin po natin." Pangako ng driver.
Hindi na siya nagsalita pa. mas nag aalala siya ng mga sandaling yon.
Inabot sila ng mahigit isang oras kung nasaan ang kotse ni Pj at kung nasaan ang binata.
Nakita nilang nakaparada ito sa isang bar na tago sa labas na ng bayan ng San Andres.
Nag alangan siya pumasok sa loob dahil hindi sya dapat naroon sa lugar na iyon. Pero dahil makulit siya, pumasok parin siya.
Bumangga sya sa isang bisig ng magandang babae na Nagmamadaling lumabas."Sorry..." paumanhin nito na nagmamadali.
Para itong may tinatakasan.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
РазноеCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...