"Saan nyo siya dadalhin?"
Narinig ni Yesha na tanong ni Pj sa dalawang pulis.
Alam nyang galit ito pati sa paraan ng paghablot nito sa kanya kanina para makuha sya sa dalawang lalaki ay ginamitan nito ng malakas na pwersa.
"Nagkasala sya sa batas. Kailangan sya managot. Ikukulong namin sya." Sagot ng maatim na mataba.
"Talaga? Anong charges nya?" Patuloy na pakikipag usap ni Pj sa mga ito.
Umiikot parin ang paningin ni Yesha. Hindi nya masyadong marinig ang pinag uusapan.
Hindi nya alam kung paano pero para syang na-hypnotized.Pagtingin nya sa glass door ng coffee shop. Andun si Amira. Nakatunghay sa kanila.
Baka kung ano na naman iniisip nito.
"Sya ang itinituro na pumatay kay Professor Julian ilang taon na ang nakakalipas." Sagot naman ng isa pa na Matangkad.
Saglit na hindi kumibo si Pj. Pagkaraay muli ito nagsalita.
"Okay.. so, where is the warrant of arrest?" Inilahad ni Pj ang mga kamay. "You guys are free to put her in a jail kung may documents kayo in arresting her."
Nagkatinginan ang dalawang pulis pagkuway nagsalita ang isa matapos sumenyas ng isa.
"Wala kaming dala."
"Labag sa batas yang ginagawa nyo. Baka makasuhan kayo."
Naglabas ng baril yun mataba at itinutok kay Pj.
Halos sabay sabay ang naging reaksyon ng mga taong nakasaksi sa paligid.Doon na hinimatay si Yesha kaya inalalayan ito ni Pj. Mabuti at hawak nya ito kanina kaya hindi bumagsak sa lupa.
"Ibigay nyo samin ang babaeng yan at Wag kayo mangialam sir." Babala nito kay Pj habang hawak ang baril.
"Sige iputok mo. Habang maraming nakatingin. Wala ka pang badge. Illegal na paggamit ng baril at pag aresto ng walang dokumento. Hinaharass mo pa ang babaeng ito. Sisiguraduhin ko na matatanggal ka sa serbisyo."
Maya maya'y humaharurot ang sasakyan ng magkapatid na Leviste na minamaneho ni Alex. Bumaba ang kumakain ng chocolate na si Xander.
"Okay.. commercial break but the girl is mine." Sabay hinto sa may hawak ng baril. "Put that gun down. Someone from not so far from here holding a gun also at nakatutok na sa ulo mo so if I were you. Ititigil ko na yan." Ngisi ni Xander habang inaakay si Yesha pasakay sa kotse.
Kumaway si Xander at agad pinaharurot nito ang sasakyan.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
LosoweCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...