Masaya si Pj habang papasok sa secret hideout.
Dahil sa sinagawa nilang signature campaign, pinagbawal na ang mga logging activities sa mga lugar ng San Andres. Pati na ang sinisimulang housing.
Kasama yun plano na pagtatayo ng mga housing sa pinapakansela kaya hindi na sya magtataka kung isang araw susugurin sya ni Mayor James at ibunton sa kanya ang lahat ng galit nito.Kumpleto ang grupo na nasa sala. Nakangiti sya pagpasok pero halos hindi maipinta ang mukha ng mga ito..
Sebastian..
Nadatnan ni Amira sa bahay ng mga magulang ang dating asawa ng Kuya Jonjon nya na si Marian.
Kung bakit naghiwalay ang dalawa ay palaisipan pa sa kanya."Balita ko kasal ka na?" Bati nito sa kanya. "Ang buong akala ko kayo ni Mayor James ang magkakatuluyan."
Ngumiti lang sya. Hindi sila ganun ka close ni ate Marian pero nag uusap naman sila.
"Bakit Elizalde?"
Gustuhin man sumagot ni Amira ay pinigil nalang nya bilang respeto sa kuya nya. Ayaw niyang madagdagan ang dahilan kung bakit magkagalit sila ng kuya nya at hindi sila nag uusap.
Kahit ganito ang kuya nya ay mahal nya ito at alam nyang mahal din sya nito."Wag mo syang pakialaman!" Bulyaw ng kuya nya kay Ate Marian. "Masaya na sya."
Ate Marian rolled her eyes.
Wala syang magagawa kung ayaw nila kay Pj. Hindi naman sila ang makakasama. Sya naman.
Namiss nya bigla ang asawa. Itetext nya sana ito pero nung tinignan niya ang screen ng phone nya. May message ang asawa doon.
Binasa nya ito.From: King
...thinking of you. I miss you asawa ko.😊 I do Love you.😘 I want to go home now....Napangiti sya.
Ang sarap ng pakiramdam nya kasi dati parang sa pelikula lang nya napapanood yun mga kilig moments at inisip na pang movie lang ang ganun feeling pero nagkamali sya.
Iniisip nya palang ang asawa ay nagtetext na agad ito. Minsan masosorpresa sya dahil habang nagtuturo sa mga bata ay pinanonood sya nito.
Minsan magigising nalang sya pero nakatitig ito sa kanya. Nakangiti ito at sya naman ang mahihiya.
Pinaramdam nito sa kanya kung paano maging masaya. Na lahat ng nararamdaman nya ay konektado sa nararamdaman nito.
Kung paano.. magmahal na parang wala ng bukas. At sana. Panalangin nya ay hindi na ito magwakas.
And she replied.
From: Queen
...Go home now! I need you.😢 I miss your lips.😟...Text nya dito na naglalambing.
Pero di na ito nagreply.
Nagpasya na sya umuwi ng bahay kasi marami pa sya gagawin.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...