Natahimik muli ang lahat at tila naghihintay ng paliwanag mula kay Pj.
hindi naman nito binigo ang lahat at muling nagsalita.
“Gusto ko makatulong sa mga mahihirap na walang pambayad sa abogado at ipaalam sa kanila yun mga karapatan nila. Kawawa yun mga nahahatulan na inosente at hindi makalaban. Gusto ko magkaroon ng hustisya. Para sa lahat. Lalo na sa San Andres.”
Tila kutsilyo na sumugat sa puso ni Amira ang mga binitawang kataga ng binata sa hapag.
Ang pag abot ni Pj sa pangarap nito ay para sa dalawang tao.
Una, Ang pagpatay sa ama nito na hindi nabigyan ng hustisya.
Ikalawa, Ang pagpapatalsik dito sa paaralan sa kasalanan na hindi nito ginawa.
At kahit hindi niya tignan ang ama, ina at kuya niya. Alam niyang tinamaan ang mga ito at nanahimik.
Alam niyang magwawala na naman ang kuya niya na akala mo siya ang may ari ng mundo.
“Hey..” untag sa kanya ni Pj.
Nandoon na sila sa tapat ng gate nila. Nagprisinta kasi ang binata na ihatid siya nung magpasya ang pamilya nya na umuwi kaagad pagkatapos ng hapunan.
“What?” lito niyang tanong.
“I said, magluto ka naman minsan. Namimiss ko na kasi yun spaghetti mo.”
Sa sinabi ng binata ay lihim siyang napangiti.
“Si Mommy hindi mo namimiss luto?”
Nagkibit-balikat si Pj. “Miss din. Kaso, may mga niluluto ka na hindi alam lutuin ng mommy mo. Pero kung may magagalit na ipagluto mo ako. Wag nalang.”
Agad siyang nainis sa sinabi ng binata. Kaya yamot siyang sumagot na walang magagalit dahil wala naman siyang asawa o boyfriend.
“Okay.” Sagot lang ng binata na parang hindi naman interesado kung kailan pa siya naging single o bakit wala pa siya boyfriend o asawa.
“It is nice to see you again Amira. Goodnight.” paalam nito.
Hinalikan siya ng binata sa pisngi at lahat ng inis niya rito ay nawala.
Sa cheek lang..
Wala parin tatalo sa halik nito noon sa labi nya. At nasasabik syang maulit muli iyon.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...