Dahil napuyat si Amira kaka browse sa internet kung sino si Yesha, bandang hapon na sya nagising.
Nakita nyang Doktor pala ito at sobrang ganda. Hindi rin ito active masyado pero marami itong stolen shot ni Pj. Pamilyar ito pero hindi nya maalala kung nakita na nya.
At isang malaking pagkakamali ang ginawa nya dahil ngayon puro pait ang nararamdaman nya at selos.
Natigil sya sa pag iisip nang kumatok ang katulong at sinabing naroon daw ang Mga Elizalde sa sala at meron mahalagang kailangan pag usapan.
Kumabog ang dibdib niya.
Siguradong alam na ng pamilya ang nangyari at alam niyang isusumpa siya ng mga ito.
Hindi na siya nagpatay ng oras.
Inayos niya ang sarili para hindi na madagdagan pa ang galit ng pamilya. Namamaga pa nga yung mga mata nya paglabas ng kwarto.
Pagbaba niya ay seryoso ang mga mukha ng mga ito.
Hindi siya makatingin kay Pj pero nung sumulyap siya rito ay may sariwang sugat ito sa pisngi at labi na may dugo pa.
Palatandaan na sinapak na ito ng kuya niya.
Galit na tumayo ang kuya niya paalis pero nag iwan sa kanya ng salita at matatalim na tingin.
"Kahit kanino.. pero bakit sa kanya pa!" parang maiiyak ito sa galit.
Pinipigilan din ng mommy niya na umiyak at magalit. pati na ang ama dahil may sakit ang mga ito sa puso.
Angkan nila iyon.
Pero yun kanya? Ibang sakit sa puso.
Sumunod na umalis ang ama. naiwanan silang dalawa sa sala. Nasa garden ang matatanda si Miss M at ang ina niya.
Ngumiti ang binata sa kanya.
"Lumuwas tayo bukas. Mamili tayo ng ring saka ng gown mo."
Tila nag init ang pisngi niya. Umahon ang galit na kinikimkim niya.
"Alam ko na lahat. Kaya pwede ba? Wag mo akong gamitin sa pagmomove on mo." Asik niya rito sa napaawang ang bibig na binata.
"What are you taking about?"
"Alam ko na yun tungkol kay Yesha." Nagsimula siyang maluha. "Wag mo gawin dahilan yun nangyari kagabi para gawin akong panakip butas mo!"
Napahilamos ng mukha si Pj. "Amira, you don't understand."
Lalong umalpas ang mga luha sa mga mata ni Amira.
Ito ba ang ganti ni Pj sa pagtalikod nya rito noon? Ang paasahin sya nito ngayon at gamitin?
Papaniwalain sya nito sa isang kasinungalingan?"Hindi ito ang pinangarap ko para sa sarili ko. Hindi ko pinangarap pakasalan ako sa ganitong paraan." Sambit niya saka niya tinalikuran ang binata at iniwan.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...