Tuwang tuwa ang mga mamamayan ng San Andres dahil sa kumakalat na usapan sa buong bayan.
Ayon sa mga nakasaksi, kaninang umaga habang naghahanda ang mga illegal loggers sa kakahuyan para magputol ng puno ay pinalibutan sila ng mga lalaking nakamotor, may takip ang mga mukha. Nakaitim.
Pinagbantaan ng mga ito ang mga lalaki na wag silang manira ng kalikasan at illegal na gawain yon.Ang sabi pa ng nakakita ay nanlaban ang mga loggers kaya napilitan ang mga nakamaskara na makipaglaban sa mga ito pero hindi gamit ang baril. Through martial arts.
Sa ibang parte naman ay pinigilan nila ang gumagawa ng mga housing dahil walang sapat na papeles kaya galit na galit daw si Mayor James.
Nakikinig lang sila Amira at Leona sa katulong na nagkwekwentuhan habang nasa garden sila. Inaantay kasi nila si Pj dahil sa kaso ni Lyra.
Ang aga nito umalis at may pupuntahan lang saglit pero di pa ito bumabalik. Mag iisang oras na sila naghihintay.
"Lyra, pasensya ka na.. hindi ko matawagan si-."
Hindi naituloy ni Amira ang sasabihin nang biglang pumarada ang yellow top down car ni Pj. Tila pagod na pagod ito kasunod nito ang pinsan na si Coco.
"Hi mahal! Sorry po I'm late."
At hinalikan sya ni Pj labi. Minsan nasasanay na sya. Masyado kasing malambing si Pj at kahit may tao sa paligid ay hindi ito nahihiya na yakapin sya, hawakan ang kamay nya o halikan sya.
Masyado sya nito nilalandi sa harap ng maraming tao.
"Saan ka po galing?"
"I called on him." sagot ni Coco at nilapitan ang motor nito na nasa malapit lang. "I left my motor here." Dugtong pa nito pero nang mapatingin ito kay Lyra ay tila nagulat ito ngunit agad din nag iwas ng tingin.
Napatango naman siya bilang tugon.
"Anyway bro, you remember the one that I discussed you about Amira's friend?"
Bahagyang tumango si Coco. Kasi hindi talaga ito palasalita.
Nung minsan na pumunta ang mga ito sa bahay nila wala man lang lumabas sa bibig nito. Pakiramdam nya mapaparusahan ito ng batas kapag nagsalita ito kasi bihira ito kumibo."I'd like you to meet Teacher Lyra-.." simula ni Pj pero agad na nagsalita si Coco.
"I know her." Sagot nito saka isinuot ang helmet.
Sabay silang nagkatinginan ni Pj na nagtataka kung bakit magkakilala ang dalawa pero binuhay na ni Coco ang makina ng motor.
"If you will ask me about the land of San Andres. No one is allow to sell any part of it. Not unless, sila mismo ang magbenta ng lupa na binigay ni lolo sa kanila."
Paliwanag nito bago umalis.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...