44. "Coldness."

5 0 0
                                    

"Ano bang problema mo?!"

Inis na bulong ni Amira sa asawa at agad syang umalis sa pagkakaibabaw dito.

"Mahal.." habol ni Pj sa kanya.

Binalot nya ng kumot ang hubad na katawan at padabog na nahiga patalikod kay Pj.

Inis na inis na di nya mapigilang maluha.
Ano bang problema ng asawa nya? Ayaw na ba nito sa kanya? Meron na ba itong iba?

Ilang araw na ito kakaiba ang mga kinikilos. Ilang gabi na itong wala sa mood.
At simula yon nang aminin nito yun tungkol sa kaso ng ama nito.

Pakiramdam nya meron pa itong hindi  nasabi sa kanya.

Hindi sya nito matignan sa mata.

Naramdaman nya ang mainit na yakap nito sa likod nya.
Maya maya'y ipinihit nito ang katawan nya paharap rito.

Nagtama ang paningin nila. Agad nitong pinunasan ang mga luha sa mata nya.

Inapuhap nito ang mga labi nya. Banayad ang naging paghalik na ginagawad sa kanya ng asawa habang gumagapang ang kamay nito sa palibot ng katawan nya.

And he knows exactly how to make her satisfied. To make her happy.

Nawala lahat ng tampo nya ng nagdaang araw. Pinuno nito ng pagmamahal ng mga sandaling yon.

"Mahal na mahal kita..sobra. palagi mo tatandaan yan."

Bulong sa kanya ng asawa habang hinahabol ang paghinga.

Pero hindi sya mapakali. Lalo pa at may mga lakad si Pj na hindi nasasabi sa kanya.

Ayaw nyang mag away silang dalawa pero nung una palang sinabihan nya na ito na walang lihim sa pagsasama nila. Hindi sya mapakali. Nagtetext naman ang asawa nya pero gustong gusto nya malaman kung nasaan ito at anong ginagawa nito. Dati naman kasi may kusa ito. Pero ngayon simple lang ang mga sagot nito.

"Sigurado ako na may ginagawang kalokohan yang asawa mo." Ngisi ni Ate Marian sa kanya na parang nakakaloka. "Sisiguraduhin ko sayo na isa sa mga araw.. lilitaw yan."

Hindi sya kumibo. Napatingin sya sa mommy nya na sumenyas lang na wag na patulan ang hipag nya na walang alam gawin kundi mangialam.

Kilala naman nila si Pj. Alam nilang hindi ganun ang asawa nya.

Pero hindi nya makuhang makumbinsi ang sarili.

Nagpaalam nalang sya sa mommy nya.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now