31. "The Town is in Chaos."

9 0 0
                                    

“We need to tell Pj about what happened last night. Kailangan niya malaman yun conclusion natin na set up ang nangyaring gulo. Ang malilit na mamamayan ang maiipit sa pulitika.” Mahinang paliwanag ni Coco kay Enzo habang papasok sila sa Academy.

Hindi pa nila matawagan si Pj ngayong umaga. Kahit si Miss M.

May rule sa grupo na hindi sila pwedeng magpunta sa bahay ng isa’t isa na magkakasama.

Baka mahalata sila ng mga tao o paghinalaan.

“Genius talaga kayo dude. Naisip nyo pa na si Mayor Mateo ang may pakana. Iba talaga kayo kapag magkasama.” Ngiting akbay ni Enzo kila Coco at Emman. “Ngayon paano natin papatunayan sa lahat na ang nangyari ay  para lang sa popularity sa pagtakbo ni Mayor Mateo sa kapitolyo?”

Napabuntonghininga si Emman.

“Nakasalalay kay Pj kung paano nya sisirain ang sistema nila Mayor at Vice. Kung hindi? Malabo na maipagtatanggol ni Pj ang maliliit na tao.”

“Sinong ipagtatanggol ni Kuya?” tanong ni Ritch. Kasama nito ang janitress na si Aling Nena.

Sipsip kay Mayor.

Hindi malaman ni Emman kung ngingiti siya o manlalaki ang mata dahil baka narinig na ni Aling Nena ang usapan nilang tatlo.

Kaya kung ano nalang bumulalas sa bibig niya.

“Hi Ritch! ang sabi ko kay Enzo, sa ganda mo na yan, kahit ako ipagtatanggol kita. Kahit hindi mo ako kuya.”

Namula ang pisngi ng kapatid ni Pj na kinikilig.

May gusto kasi ito kay Emman kaya ganun nalang reaksyon nito.

“Talaga Emman?”

Tila namumungay pa ang mga mata nito kaya tinudyo ito ni Enzo.

“Andito din ako! Hello?” kaway nito sa harap ng mukha ni Ritch.

“Hello kuya Enzo?” bati ng dalaga.

“Wow. Kuya? Tapos si Emman walang kuya? Magkasing tanda lang kami nyan ah!” buska pa nito.

“Hayaan mo next time.” Tawa ni Ritch. “Bakit nga pala kayo nandito?”usisa nito.

Hindi na nila ito sinagot dahil baka kung ano pa masabi nila kaya agad pinigilan ni Emman ang bibig ni Enzo.

“Just to see someone..” ngiti ni Emman. Tinanggal ni Enzo ang kamay ni Emman sabay bulong kay Ritch.

“His crush..” turo ni Enzo sa palabas na si Teacher Lyra na nakatingin naman kay Coco.

Napasimangot si Ritch kahit naghaharutan na ang dalawa papasok sa loob. bagay na hindi napansin ni Emman.

Maya maya'y napatingin silang lahat sa t.v.
Si Vice Mayor James na ang itinanghal na acting Mayor ng San Andres matapos lumabas sa imbestigasyon na si Mayor Mateo ang utak ng pagsabog at pagnanakaw sa kaban ng  bayan ng San Andes.

Nagkatinginan silang tatlo.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now