Meron pero parang wala.
Hindi malaman ni Amira kung maiinis sya o hindi. Pero balewala na rin naman sanay naman na talaga sya. Wala ng saysay.
Natapos ang araw na yon nang hindi sya nito naitext o tinawagan man lang.
Hindi sya umiyak.
Sa maglilimang taon nila ganun na talaga si James. Mas priority ang iba kaysa sa kanya.
Napayakap sya sa sarili dahil sa lamig sa balcony ng kwarto nya.
Napalingon sya sa tapat ng bahay nila Pj kung saan nakita nya na masaya ang pamilya nito.
Pj is playing a piano while his dad dancing with his mom and two sisters Ritch and Clara.
Mabait naman si Mrs. Marjorie or 'Miss M' ang pangalan nito as a writer at si Professor Julian na kilala sa buong San Andres dahil sa pagiging mabait nitong doktor at guro.
Ang cool ng parents nito. Sobra.Kaibigan naman nya ang pangalawang si Ritch na may pagka masayahin din kasi kaklase nya ito at May pagka prangka naman. Hindi ito palakibo pero masaya kasama.
si Clara na bunso ang syang maldita. pero magkasundo sila.
Gustong gusto sya nito maging ate.Pangarap nya rin magkaroon ng masayang pamilya. Yun sarili nya.
Pero natatakot sya na hindi ito maging maayos. Gaya ng pamilya ni Pj.Mas marami kasi syang kakilala na sira ang marriages.
Isama pa kung paano sya itrato ni James.
Nawawalan tuloy sya ng pag asa na magkakaroon sya ng masayang pamilya.Nagulat sya nang tumunog ang cellphone nya. Inakala nyang ang boyfriend nya ito at babatiin sya pero hindi.
"Bakit?" Nakangiti nyang sagot at muling bumaba ang tingin sa nasa balcony na si Pj. Nakangiting kumakaway ito habang kausap sya sa phone.
"Sungit naman nito. Palibhasa maganda ka." Sabi nito sa kabilang linya.
"Hahaha.." Hindi nya napigil ang di matawa ng malakas. "Tumigil ka nga sa pagkaway!" Saway nya sa binata.
"Pasalamat ka nga kinakawayan ka ng idol mo." Biro pa nito.
"Nako ha? Kakahiya naman sa idol ko baka mangawit ka pa nyan!" Ngiti pa nya.
Napansin sila ng pamilya nila Pj na nasa loob kaya lumabas ang mga ito sa balcony at kinawayan sya.
Dinig nya na sumisingit pa ang mga ito sa phone para batiin sya kaya kumaway sya sa mga ito.
"Kalma lang guys nanliligaw pa ako kay Princess okay?" Sigaw ni Pj sa pamilya.
"Baliw!" Natatawa nyang bigkas kasi nahihiya rin sya. Masyadong garapal ang binata magbiro sa harap pa ng mga magulang nito.
"Girl baba ka dito foodtrip tayo." Agaw ni Ritch sa phone.
"Mmmm... I think it's about time to have a bonding with future-in-laws. Kayo ba? Team Jami or Team Pjam?
Amira naman kasi.. wag susuko agad. Si James palang yan. Marami pang Alphabets. Hahaha."
Jessica Ybarra
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...