Akala ni Pj magiging okay na lahat pero nagkamali sya.
Naging malamig ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi na ito katulad ng dati.
Ni tignan sya ay hindi nito ginagawa.
Hindi sya nito kinakausap.Kaninang umaga ay umalis ito ng maaga at hindi nagpahatid sa kanya sa school.
"Aminin mo na sa kanya yun totoo." Sabi ng mommy nya habang hawak nito ang paborito nitong cup of coffee. "Para sa kanya naman yun ginagawa mo." Payo pa ng mommy nya.
Alam ng mommy nya na sya mismo ay hirap na hirap na mag desisyon.
Hindi lang si Yesha ang naiipit sa sitwasyon. Pati na sya.Hindi parin sya makapag decide kung sasabihin nya yun tungkol sa 'V' kay Amira..
Baka maulit ang nakaraan. Baka dumating yun oras na kailanganin na naman ng asawa mamili at sila na naman ang magdusa na magkakaibigan at ayaw nya mapahamak ang mga kaibigan nya ng dahil na naman sa kanya.Pero hindi sya nakaimik sa sinabi ng ina. Gusto nya rin ito protektahan. Pati na ang mga kapatid.
Gusto nya ng hustisya para sa ama. Pero ang kapalit nito ay lumalayo ang loob ng asawa sa kanya.Kaunting oras lang naman ang hinihingi nya dahil muling bubuksan ang kaso ng pagkamatay ng daddy nya.
Pagkatapos ng kaso makakabalik na sila sa normal.
Tumayo na siya dahil pakiramdam nya ay kumikirot na naman ang ulo nya.
"Makikipagkita po ako kila Yesha at Alex sa coffee shop. Pag uusapan namin yun kaso ni daddy Nakuha na nila yun video cam at inayos na ni Emman yun audio. Malaking tulong din po yun sa kaso."
"Bakit hindi kayo sa hideout magkita?" Nagtatakang tanong ng ina.
"Galing pa daw po si Yesha ng Manila. Nasiraan daw po siya kaya sa coffee shop nakikipagkita."
Tumango ang mommy nya sa kanya. At tinapik sya sa balikat.
"Everything will go back to normal. Just wait for the right time."
Nakangiting payo nito. Napatango nalang sya. Kahit papaano gumaan pakiramdam nya.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...