Kinabukasan, maaga palang ay naroon na si Pj sa bahay nila. Sinusundo sya nito dahil may usapan kahapon na aasikasuhin yun kasal.
Masama ang pakiramdam niya dahil wala siyang ginawa kung hindi umiyak. Depress na depress sya dahil wala sya mapagsabihan ng mga hinanakit nya.
Wala naman siyang choice kung hindi ituloy ang kasal dahil baka magwala ang ama at kuya niya kaya kahit hindi kaya ng katawan niya. pinilit niya.
Nung nasa kotse na sila, may pag aalalang nakatingin si Pj sa kanya.
"Okay ka lang?"
Tumango lang siya. Wala siya sa mood makipag usap dito. Tahimik syang sumakay ng kotse nito.
Ang buong akala niya ay luluwas sila ng Maynila para asikasuhin ang kasal pero nagulat siya nang dalhin siya ng binata sa isang pribadong resort na nirentahan nito para sa kanila sa araw na yon.
Ang akala niya ay may kakausapin lang ito para sa reception pero hindi pala.
May nakaset na table sa gitna ng pool. Maraming mga bulaklak sa paligid at tanaw mo ang mga magagandang tanawin sa ibaba.
Binigyan siya ni Pj ng white rose na paborito niya. naka-bouquet ito na combination with Red Rose.
"I know, nitong nagdaan ako ang naging dahilan ng kalungkutan mo. Hindi ko yun sinadya o plano pero masaya ako sa kinalabasan Princess." Simula ni Pj pero naluha na siya.
Kasi tinawag sya nito ng Princess gaya noon.
"I made mistake. Pinaniwala ko yun sarili ko na mahal ko si Yesha pero kahit sya alam nya na hanggang ngayon ikaw parin." Pinahid nito ang luha niya. "Wala ka dapat na isipin pa. Yesha, is not my future. I believe it's you. These white roses represents you. Ikaw yun magsisilbing tagahupa ng damdamin ko kapag sasabog na ko." Ngiti ni Pj kaya natawa siya.
Hinawakan nito ang mga kamay niya.
"So, ikaw yun Red Roses?" tanong niya na natatawa pero tumango si Pj kasabay ng pagluhod nito.
May inilahad itong maliit na box.
"Kahapon, nung sinabi mo yun nararamdaman mo. Naisip ko na hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko. Sa ipagtatapat ko. Habang inisip kita nagmamaneho ako, hindi ko namalayan na nakaluwas na ako at sa mall ako nahinto." Simula nito pagkuway binusan ang box. "Marry me, not because of what happened last, last night. Pakasalan mo ako dahil gusto mo magbyahe sa Forever na kasama ako. Hindi kita pipilitin ngayon, dahil ayoko isipin mo na binibilog ko ulo mo. Pero sana pumayag ka. Mabuntis ka man o hindi."
Natatawa siyang tumango habang lumuluha.
Isinuot na ni Pj sa kanya yun singsing na may nakasulat na Forever.
May mga mamahaling cuts ng bato sa gilid nito."Sakto lang pala sayo." Nakangiting sambit ni Pj.
Napatikhim si Amira. "May kondisyon ako."
"What?"
"Madali ako lambingin pero matindi ako magselos. Kaya wag mo ako bibigyan ng dahilan para maramdaman ko yun." Babala niya.
"Walang dahilan para maramdaman mo yun. Hindi ako gagawa ng dahilan para maramdaman mo yun." Pangako ni Pj. "Pwede na po ba tayo kumain?"
"Gutom na nga rin ako." Nahihiya niyang ngiti.
Inalalayan siya ni Pj sa paglalakad.
"Ipinaluto ko yun mga paborito mo. I hope walang nabago, Pasta and pizza also."
Kwento ng binata kaya lihim siyang napangiti.
Hindi nito nakalimutan ang mga paborito niya.
Nagpa-set din ito ng big screen para mamayang gabi. Inalalayan pa siya nito makaupo.
"Hindi na ba tayo tutuloy sa Manila?" Tanong niya.
"Maybe, tomorrow. Pero ngayon, enjoy muna natin yun day as boyfriends." Kindat ni Pj. Hinawakan nito ang palad niya. "May I have one kiss?"
Natatawang sinubuan niya ng pagkain ang bibig ng binata. "Manligaw ka muna."
Umugong ang malakas na tawanan sa resort. Pagkaraa'y nahuli niyang nakatitig sa kanya si Pj.
"You are beautiful Princess. No changes. Kapag tinitignan kita. Gumagaan ang pakiramdam ko.."
Umirap siya. "Binola mo pa ako magpapakasal na nga ako sayo."
"No! I'm not joking. At hindi rin kita binobola." Seryosong sabi pa nito.
"Nung na-kicked out ako noon, kasunod ng pagpatay kay daddy. Yun picture mo lang yun kinakapitan ko. Kapag nalulungkot ako, kapag nagagalit ako? tumitingin lang ako sa picture mo."
Napakunot ng noo siya. "Kapag nagagalit ka?" nagtataka niyang tanong.
Matagal bago sumagot si Pj. Pero nang sagutin siya nito ay nakatingin ito sa malayo.
"Sa dami ng nangyari sa buhay namin. Hindi ko maiwasan na hindi magalit. Minsan naiisip ko na kinalimutan na kami ng nasa itaas. Pero sa tuwing naaalala kita, nawawala yun mga naiisip ko. Alam ko na ikaw yun taong puno ng pananalig sa Diyos." ngiti ni Pj at pagkaraa'y nilingon siya nito. "Kaya kapag nagagalit ako. Yun ang ginagawa ko.."
Wala sa loob na napangiti siya. Nakakataba ng puso.And that night. They shared in bed and made love again.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...