14. "Set Up"

11 0 0
                                    

One trouble that led to another.

Pinatawag si Amira isang araw sa opisina ng school administrators.

Hindi nya alam kung bakit?
Kung dahil lang sa naging gulo nila James at Pj? ito marahil ang dahilan pero ilang araw na nakakalipas.
Ang akala nga nya okay na.

Papasok palang sya nang makasalubong nya ang grupo nila Pj. Hindi sya tinitignan ng mga ito. Madalas masama ang tingin ni Xander pero sa mga oras na ito. Parang susugurin sya nito sa di malaman na dahilan.

Pinigil lang ito ni Pj kaya nagpatiuna kasunod ng iba.

Si Pj nalang ang naiwan sa harapan nya.

Nakangiti si Pj na parang maluluha.

"Naiintindihan kita kung bakit mo yun ginawa. Hindi ako galit. Mag iingat ka nalang palagi."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito pero bago pa sya makapagsalita ay umalis na ito. Sinundan nalang nya ito ng tingin.

Pagpasok nya sa loob ay nakita nyang andun si James at kuya Jonjon nya.

Napayuko ang kuya Jonjon nya.

"Sitdown Miss Sebastian. Ang sabi ni James natatakot ka magtestify kaya sya na lumapit samin." Simula ng Presidente ng school.

Muling napakunot ang noo nya. Hindi nya maintindihan ang nangyayari sa paligid nya kaya nagtataka sya.

"Testify?"

Hindi nya maintindihan kung anong nangyayari sa paligid nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib nya.
Kanina okay lang sya pero ngayon?
Pakiramdam nya may mangyayaring hindi maganda

"Ang sabi ni James kilala mo ang V at ang school hacker. Sa tulong ng kuya mo na-locate namin yun account na kumukuha ng school funds. At kapag lumabas sa investigation na nagkasala sila. Tatanggalin sila sa school." Paliwanag ng Presidente.

Lalo syang naguluhan at napaawang ang labi na napatingin sya kay James.
Sa pagkakaalala nya wala syang sinasabing kung anuman o kanino, kahit pa kay James.
Magtestify pa kaya??

Pero nakangisi lang ito. Masaya ito ng mga sandaling iyon at hindi nya alam kung bakit.

Tumayo ang presidente at inilahad ang kamay sa kanya kaya napatingin sya dito at wala sa loob na inilahad nya ang kamay nya na nagtataka.

"Thank you so much Miss Sebastian. I will assure you na hindi masasayang yun sacrifices mo na sabihin samin kung ano yun nalalalaman mo. Yun grupo nila Pierre Josef Elizalde, King Alexander Leviste, Federico Andres, Emmanuel Alonzo, Eduardo Monte Vista, Lorenzo Lopez ay siguradong mapaparusahan ng school."

Halos mayanig sya sa narinig.
Bakit mapapaalis ang V sa school? At dahil pa sa kanya?
Kaya ba ganun nalang ang galit ni Xander kanina sa kanya na para syang papatayin?
Pero wala naman syang ginawa ah?

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now