"Sigurado ka ba na may makikita tayong shooting star? Gabi na." Tanong nya habang nakasilip sa telescope ni Pj.
Mag iisang oras na kasi sila naghihintay sa rooftop pero wala pa silang nakikitang shooting star.
May naka-set up kasi si Pj sa rooftop na sala set at telescope na malaki.
Ang pinag aalala nya ay Baka inaantay na sya ni James. Panay ang sulyap nya sa phone nya dahil baka nagtext na ito o tumawag dahil nga anniversary nila ngayon.
"May lakad ka ba?" Tanong ni Pj sa kanya. "Every hour kasi ang labas nila. You have to be patient but I swear to you it's worth the wait." Kindat nito.
Napakibit balikat sya. "Bakit naman sobrang worth it sayo yun shooting star kung makikita mo at mahuli mo?"
Nakangiti nyang tanong.
Kahit naman sya interesado sa mga celestial body pero hindi naman katulad ng pagkasabik ni Pj na gumastos pa ng napakalaking telescope.
Napakibit balikat din si Pj. "Shooting star is like a love. Hindi sa bawat pagkakataon makakakita tayo sa buhay natin na magpapasaya satin. Minsan lang tayo makakakita nf sobrang magpaparamdam sa atin ng sobrang kasiyahan kaya wag natin papakawalan matuto tayo maghintay ng tamang shooting star sa buhay natin."
Natawa sya. "Ganun? Ang lalim ng hugot ah."
Napakamot ng noo ang natatawang si Pj. Maya maya'y.. "Oh! Ayan na."
Sabay silang napalingon sa meteor shower.
Ang ganda nito sa kalangitan."Ang ganda..." sambit nya.
"Oo nga..."
Nilingon nya si Pj. Nakatitig ito sa mukha nya.
Siniko nya ito. Tawanan sila.
"Kumuha ka na." Suggest ni Pj sa kanya.
"Para saan?"
"Basta you get one and make a wish."
Hinila niya si Pj sa palad. "Sabay tayo kumuha!"
Nakahuli sya isa. Pumikit sya at agad na humiling.
Gusto sana nya hilingin na sila na ni James hanggang sa huli pero sa halip ay ito ang hiniling nya.
...sana po matupad ang wish ni Pj tutal mabait naman sya sakin...
Pagkatapos nya humiling ay siniko nya si Pj na nakapikit.
"Ano wish mo?" Usisa nya.
"Hiniling ko na sana mapang asawa ko yun babaeng humawak ng palad ko." Tawa ni Pj habang namutla naman sya dahil magkahawak ang mga palad nila kanina pa nung hilahin nya ito.
"Falling in love is easy. But falling in love to the right person... parang game show na yan! Hindi mo alam kung susugal ka ba o hindi dahil hindi mo alam kung sya na ba talaga? Pero kung talagang mahal mo dapat Go! Lang."
Jessica Ybarra
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...