Nang gabing yon.. nalaman nya lahat ng kailangan nya malaman.
Kinabukasan.. ginulantang sila ng isang balita.
Miss M called.. crying..
They are about to release Pj kasi walang matibay na evidences against him. Idagdag pa na muling nabuksan ang kaso ng pagpatay kay Professor Julian.
They are all staring at her habang Papasok sya ng kitchen. Sabay sabay sana sila mag aalmusal. Aantayin nalang nila si Pj at Miss M.
Pero.."Anong nangyari?"
Alex is crying, as well as Yesha. Kuyom ang mga kamao ni Xander.
Tahimik ang pamilya nya.
"Binaril si Pj and hindi pa sya nagkakamalay hanggang ngayon." Sagot ni Emman.
Pakiramdam nya gumuho ang mundo nya sa narinig. Nanginig ang mga tuhod nya.
Para syang nabingi at ang tanging Narinig nalang nya ay ang sigaw ng mga tao sa paligid nya. Tinatawag ng mga ito ang pangalan nya hanggang sa maglaho na ang mga ito sa pandinig nya.
Pagmulat nya ng mata. Halos nakapaligid na sa kanya ang mga kaibigan ni Pj at ang pamilya.
Pinilit nyang tumayo pero pinigil sya ni Yesha na nag aasikaso sa kanya."Magpahinga ka nalang. Makakasama sayo yan. Sobrang stress na stress ka na."
Ilang minuto na ba syang nakahiga?
"Kailangan ko puntahan si Pj. Kailangan ko malaman kung okay na ang asawa ko." Pagpupumilit nya.
"Hay. Wag nga matigas ulo mo." Pagalit ni Enzo sa kanya.
"Isipin mo muna yun baby mo." Dugtong naman ni Edward
"Hindi nga ako Buntis!" Deklara nya.
Sinamaan sya ng tingin ni Xander.
"Pwede ba? Ganyan din yung sinabi mo sakin kahapon pero ano? Totoo naman pala." Ismid nito.Napakurap sya bigla. Buntis sya? Totoo ba yon?
Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nya."May Junior na ang V." Masayang sambit ni Alex. Pagkuway siniko sya. "Ninang ako ah."
"Hoy! Paano ako? Ako muna ang ninong. Sa susunod na anak ka na." Deklara ni Xander.
Kaya nag away ang magkapatid.Gusto sana nya matawa kaya lang nag unahan pumatak ang luha nya.
Hanggang sa naging hagulgol.Napatingin sa kanya lahat.
"Magiging okay din si Pj." Alo ni Emman sa kanya.
"Basta Ninong din kami ah." Singit ni Coco.
"Traydor!" Sigaw ni Xander.
Tawanan.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AcakCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...