...Here we go again!...
Sigaw ng isip ni Amira.Mula pagkabata hanggang ngayon, palagi nalang ang apat na sulok ng kwartong ito ang nakakasama nya kapag may problema sya.
Palibot nyang pinagmasdan ang kabuuan ng kanyang silid.
Bumalik sa mga alaala nya yun panahon na lagi syang pinapagalitan o napapalo ng mga magulang kapag kaaway nya ang kuya nya.Paborito kasi ito ng mga magulang at laging magaling sa paningin nila samantalang sya..
Halos kamalian na lamang ang meron sya na madalas nakikita sa kanya!
Hindi nya alam kung saan sya lulugar sa puso ng mga magulang.
O saan parte ng bahay sya pwede mag stay.Yun tipong walang pupuna sa kanya at mapapansin ang presensya nya.
At ngayon.. andito sya pansamantala sa dati nya kwarto. Mag stay muna sya saglit bago sya umalis.
pihadong sya parin ang sisisihin ng ama sa nangyari sa kanila ni Pj.
Sasabihin nito na kung nakinig lang sana sya sa mga ito Hindi sana mangyayari kung anuman ang nangyayari ngayon sa kanya.
Sa sobrang sama ng Loob ni Amira ay nakatulog sya na may luha sa mga mata.
"...Kung minsan yakap lang ang kailangan natin para mapawi lahat ng sakit ng nararamdaman natin.
Hindi naman natin kailangan gantihan lahat ng pait na nararanasan natin mula sa nagdudulot nito sa atin.
Dahil sa huli hindi rin tayo magiging masaya.."
Jessica Ybarra
Pero kahit anong pilit nya sa sarili na matulog ay di nya kaya. Bumangon na sya at kinuha ang mga gamit.
Sa kabilang gate nalang sya dumaan sa likod para di makita ng mga magulang at kapatid ang pag alis nya. Baka mag usisa pa ang nga ito.
Pasalamat nalang at wala ang hipag nyang pakialamera kaya malaya sya.Nang makalabas sya ay nakita nya ang kotse ng asawa na pumarada sa tapat pero papunta ito sa may gate ng bahay nila.
Nagmadali sya. Ayaw nya maabutan sya nito.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
AléatoireCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...