43. "The Past"

6 0 0
                                    

"You look happy." Untag ni Yesha sa kanya.

Naiwan sila sa sala at makalipas nga ang ilang minuto ay nagsalita ito.

Pero hindi sya makatingin ng tuwid dito. Pakiwari nya ay nagu-guilty sya sa nangyari.

"Two weeks of marriage."

"Congrats Pj."

Pero imbes na magpasalamat ay iba ang nasabi nya.

"I"m so sorry."

Napaawang ang labi ni Yesha na nakatunghay sa kanya.
Para saan pa ba na sabihin nya rito na sila dapat ang ikinasal at kung papalarin ay may anak na sana.

Kung sa mga sandaling ito masaya na sila ni Amira. Sobra.

"Lahat naman ng bagay may dahilan. Ako man yun una mo nakilala pero sa bandang huli hindi naman tayo nagkatuluyan. kasi hindi naman tayo para sa isa't isa."

"Yesha. Minahal kita."

Hindi napigilang sabihin nya sa dating kasintahan. Dahil totoo yon. Pero marahil tama si Yesha. Na hindi siya para dito.

Ngumiti ng mapakla si Yesha.
"Pero nung bumalik ka sakin. Mas minahal mo na sya. Mas naging masaya ka."

Napahilamos sa mukha si Pj dahil hindi nya ginusto na masaktan si Yesha o ang kahit na sino.

Pero alam nyang kahit hindi nangyari ang aksidente noon. May masasaktan at masasaktan parin sya..

sapagkat kahit kasama nya si Yesha.. si Amira parin ang mahal na mahal nya sa kabila ng nagawa nito noon.

"Hindi na sana ako babalik. Kasi alam ko kung ano na ako sayo. Pero simula nang mapanood ko yun video. Gusto ko mabigyan na ng hustisya si Professor. Gusto ko na lumaya dahil sa pagtatago ko. Marami na nawala sakin."

Lumuluhang paliwanag ni Yesha.

Alam nyang kasama sya sa nawala rito. At doon nahihirapan ang kalooban nya.

Hindi nya alam kung paano papahupain ang nararamdaman nito.

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now