7. "Sebastian"

8 0 0
                                    

Habang nag aalmusal. Napansin ni Amira na pasulyap sulyap sa kanya ang kuya Jonjon nya na tila may gustong sabihin.

Alam nitong galit sya dahil sa ginawa nito sa kanya kagabi.
Close naman sila ng kuya nya kaya lang dapat alam nito kung kailan dapat umakto ng tamang pag uugali sa bawat pagkakataon.
Kung kailan ito dapat nagpapaka kuya sa kanya.

At kagabi talagang napahiya sya dahil alam naman nitong may boyfriend na sya at family friend naman nila ang pamilya nila Pj.
Nakakahiya!

Itinulak nito si Pj.

"Sobrang tahimik naman." Puna ng mommy nila.
Natigil sa pagbabasa ng newspaper ang daddy nya at nakasimangot na nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang magkapatid.

Well, sa pamilya nila. Meron syang mabait at maalagang mommy.
At daddy na sobrang mainitin ang ulo na walang ginawa kundi magtrabaho.

Na namana ng kuya nya! Pero kahit ganun ang kuya nya. Mahal na mahal sya nito.

"Ayusin nyo yang mga ugali nyo. Dadalawa kayong magkapatid." Inis na wika ng ama.

Nakayuko ang kuya nya na tila may gusto sabihin at sumusulyap sulyap sa kanya.

Sya naman ay inis na tumayo at di na tinapos ang pagkain.

"Nawalan na ko ng gana."

Hindi nya makalimutan na Sobrang napahiya sya kay Pj dahil sa sinabi at ginawa ng kuya nya.
Hindi nya ito maintindihan kung bakit mainit ang ulo nito kay Pj? magkaibigan lang naman sila ng binata.

Pumasok sya sa school. Inalis nya ang inis. Marami syang kailangan pag aralan. Malapit na midterms.

"Hi sweetheart."

Hindi pa nakakabalik ang mood nya. Heto naman at may sisira na agad.

Si James. Nakangiti ito sa kanya habang sinasabayan sya maglakad. Hindi sya kumibo.
Gusto nya murahin ito at sampalin pero pagod na sya. Masasayang lang lakas nya.

Pagod na sya magselos. Mang away ng babae at umasa sa relasyong wala naman patutunguhan dahil si James.
Mukha naman walang balak sa kanya!

"Galit ka ba?"

Hindi parin sya kumibo. Kaya hinawakan sya ni James sa kamay dahilan para matigil sya sa paglalakad.

"Okay.. sorry na."

Hinawakan sya nito sa mga pisngi paharap sa mukha nito.

"I love you."

Gusto nya sanang murahin ito pero nung nilambing sya nito. Hindi nya napigilang mapangiti. Niyakap nya ito.

At nabilog na naman nya ako!
Sigaw ng isip nya.

Napansin nyang may nakatingin sa kanya sa di kalayuan.

Si Pj!
at ang mga kaibigan nito.
Nagtama ang mga mata nilang dalawa ngunit ito ang unang umiwas at lumakad kasunod ang mga kaibigan nito.
As usual, matalim ang tingin ni Xander sa kanya.
Hindi nya alam kung bakit lagi nalang ganun si Xander sa kanya?

"My Shooting Star!"Where stories live. Discover now