"Miss.. baka gusto mo ng kasama."
Lapit nung isa sa kanya. Habang yun isa naman ay sinisipat sya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakangisi.
Hindi nya magawang makapag salita. Kahit pagsigaw ay ayaw lumabas ng boses. Medyo malayo na sya sa coffee shop at nasa madilim na bahagi sya ng park.
Yayapusin sana sya ng huling lalaki nang may humablot sa damit nito at bigla itong bumulagta sa sahig.
Nahihilam ang mata nya sa luha. Hindi nya makilala kung sino ang tumutulong sa kanya.
Nagtakbuhan ang mga lalaki na humaharass sa kanya.
Nakilala lang ni Amira ang tumulong sa kanya nang magsalita ito.
"Walking in dark places like this? What are you thinking Sebastian? Are you inviting demons to fuck you here?"
Hindi na nya kailangan ianalyze pa kung sino ang tumulong sa kanya. Dahil nag iisa lang naman ang taong alam nyang iniinsulto sya.
And of all people? Hindi pumasok sa isip nya na ililigtas sya nito."Leave me alone Xander."
"So, Is that your way in showing gratitude?" Tawa nito habang kumakain ng chocolate bar.
"Alam ko naman na from the start. You are treating me like a whore na parang ang dumi dumi kong babae at hindi ako nararapat sa pinsan mo. Kaya pwede ba?.. pabayaan mo nalang ako."
Tila nakikisama ang kalangitan.
Umulan ng sobrang lakas.Ngumisi si Xander at patuloy sa pagkain ng chocolate.
"You have no choice."
Tama nga ito. Wala nga sya choice. Sumakay sya sa kotse nito sa likuran bago pa sya tuluyang maging basang sisiw. pero nang nasa loob na sya. naramdaman nyang hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan.
"Ano na naman?" Inis nyang tanong.
Sinamaan sya nito ng tingin.
"Excuse me, I'm not your driver." Inis nitong sabi na nakatirik ang mata.
Gusto nya sana matawa pero pinigil nya. Baka mapikon ito.
"Final Destination?" Pabiro nitong tanong kung saan sila pupunta.
Nakakatawa pala si Xander. Gusto sana nya matawa kaya lang baka mabago na naman mood nito.
"Ibaba mo ko kahit saan pero ayoko muna umuwi." Sagot nya.
Dahil yun ang totoo. Ayaw nya muna makita o makausap si Pj."You know what? I don't give a damn on you guys. As long as the baby is safe."
Napaarko ang kilay niya sa sinabi nito.
Anong baby?"I'm not pregnant!" Inis nyang sagot dito pero tumawa lang ito.
Nagpatuloy lang ito sa pagdadrive.
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
RandomCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...