Pumapasok parin si Amira sa school na parang walang nangyari.
Gusto makita ng dalawang mata nya na niloloko sya ni James.
Sa ngayon hindi muna sya maniniwala sa pictures lang.Pero bakit sya nasasaktan? O talaga nga bang nasasaktan sya? O gusto nalang nya ng closure.
Isa pa, Hindi parin naman sila nagkakabati ng kuya nya.
Kagabi tinawagan sya ni James. Nagkwento ito tungkol sa ginawa ng 'V' sa kanila.
Pinagbabasag daw yun mga nakatagong alak nila sa loob ng org. room na ginagamit nila. Iinumin nila dapat yun pagtapos ng school event.
Tinanong nya kung sino bumili ng alak.
Ang sagot nya ay pera daw ng school yun at alam yun ng kuya Jonjon nya dahil ito ang school hacker ng pera ng school kaya galit na galit ang kuya nya ngayon sa 'V' at kapag nalaman daw nito kung sino ang mga miyembro nito ay papatayin nito.Kaya hindi nya alam kung saan siya lulugar.
Naiipit siya kila James at kuya Jonjon nya na kalaban ng V.
Kapag nalaman ng school na pinapakialaman nila yun budget ng school at hinahack ng kuya nya ang pera ng school siguradong makukulong ito. Pero kapag nalaman ng school kung sino ang V? Mapapatalsik sa school ang mga ito at mabibigyan ng bad record.Matalino ang kuya nya pero sa pagkakataong ito mukhang hindi nito ginamit sa maayos.
Kahit ang mga magulang nya ay alam ang ginagawa nito pero wala silang magawa kahit magalit pa sila. Dahil paborito nito ang kuya nya.
Tinawagan nya si Sarah para kumpirmahin ang lahat ng ginawa ng V.
Totoo nga ang sinabi nito.Nadulas pa nga sya na kilala nya ang 'V' at kakausapin nya ang mga ito.
"Kilala mo ang mga 'yon ate? Sino sila?"
"...Sarah, mabuti ng wala kang alam. Isa pa, may kaibigan ako na miyembro nila..."
Kukulitin pa sana sya nito pero pinutol na nya ang usapan nila sa kabilang linya.
At ngayon wala nga syang kamalay malay na may event na sa school. Palibhasa wala syang org na kinabibilangan.
Tumabi sya kay Candy na kanina pa sya hinihintay.
"Girl, ang tagal ah. San ka ba galing?"
"Sorry, may inasikaso kasi ako." Pagdadahilan nya pero ang totoo wala naman talaga.
Magulo ang isip nya kaya nalate sya.
"Sabi mo e." Ani ni Candy. Nakatanaw ito sa banda nila Pj na nag aayos sa stage para kumanta.
Nagtama ang paningin nila ni Pj.
Sya ang unang umiwas.
Nang may umakbay sa kanya."Sweetheart."
Hinalikan sya nito sa pisngi.
Nang lumingon sya kay Pj na nasa stage.Ito naman ang umiwas ng tingin.
"Bakit?" Malamig na tanong nya rito.
"Sabi ni Sarah kilala mo daw yun 'V' hindi mo ba sasabihin sa boyfriend mo kung sino?" Lambing nito sa kanya.
Gigil na napapailing sya. Napakadaldal talaga ng babaeng yon. Kaya nairita sya at mariing sinagot ito ng NO!
lalambingin lang ba sya nito dahil may kailangan?
"Fine!" Inis itong umalis at inaya ang mga kasama
YOU ARE READING
"My Shooting Star!"
De TodoCan you love someone that have a power to put you down? Can you love someone who don't feel the same way like you do? Can you love someone you can't trust? How about someone hiding something from you? Can you? Pierre Josef Leviste Elizalde Vigilante...